ni Lolet Abania | June 22, 2022
Isang low pressure area (LPA) ang magdudulot ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na mga pag-ulan at thunderstorms sa buong Bicol Region, Eastern at Central Visayas, Caraga, Northern Mindanao, at Palawan, ayon sa PAGASA ngayong Miyerkules.
Batay sa 4PM weather forecast ng PAGASA, ang LPA ay namataan sa layong 170 kilometro east ng Borongan City, Eastern Samar ng alas-3:00 ng hapon.
Nagbabala rin ang PAGASA sa posibleng flash floods o landslides sanhi ng katamtaman hanggang sa paminsang malakas na mga pag-ulan sa mga lugar na apektado ng LPA.
Ang Metro Manila at ang natitirang bahagi ng bansa ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulo-pulong mga pagbuhos ng ulan o thunderstorms.
Paalala rin sa mga residente na mag-ingat sa posibleng flash floods o landslides na mararanasan sa severe thunderstorms.
Ayon pa sa PAGASA, “The whole archipelago will experience light to moderate wind speeds moving in east to southeast direction, while coastal water conditions will be slight to moderate, ranging from 0.6 to 2.1 meters.