top of page
Search

ni Lolet Abania | June 29, 2022



Ibabalik ang limang lugar sa National Capital Region (NCR), na naunang idineklara bilang moderate risk sa COVID-19, at ibaba sa low risk kasunod ng rebisyon ng metrics para sa pagtukoy ng risk case classification sa isang lugar, ayon sa Department of Health (DOH).


Sa Laging Handa briefing ngayong Miyerkules, iginiit ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire na binago ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang matrices na gagamitin para sa Alert Level System at inalis ang two-week growth rate sa pagtukoy ng case-risk classification.


Dahil dito, ayon kay Vergeire, ang Pasig, San Juan, Quezon City, Marikina, at Pateros ay ide-deescalate sa low risk sa kabila na ang mga ito ay nakapag-record na ng mahigit 200% growth rate nitong Sabado.


“Mapupunta po sila ulit sa low risk dahil ‘yung kanilang average daily attack rate ay hindi pa lumalagpas ng 6 at saka ‘yung kanilang healthcare utilization naman is less than 50%,” pahayag ni Vergeire.


“Mas importante ho sa ’ting lahat ang mga naoospital, ang pagkapuno ng mga ospital, at saka ang severe at critical cases,” dagdag ng opisyal. Ayon sa DOH, ang isang lugar ay ikaklasipika bilang moderate risk, base sa kanilang hospital utilization na above 50%, at average daily attack rate (ADAR) ng tinatayang 6 average cases kada araw sa bawat 100,000 populasyon.


Habang ang isang lugar naman ay isasailalim sa low risk, kung may hospital utilization na below 50% at ADAR ng mas mababa sa 1 sa bawat 100,000 populasyon. Ang NCR ay isasailalim sa Alert Level 1 mula Hulyo 1 hanggang 15 sa gitna ng pagtaas ng COVID-19 infections sa rehiyon.


Sa ilalim ng Alert Level 1, ang intrazonal at interzonal travel ay pinapayagan para sa anumang edad at comorbidities. Lahat ng establisimyento, mga indibidwal, o mga aktibidad, ay pinapayagan din na mag-operate, magtrabaho, o ipatupad ang full on-site o venue/seating capacity subalit dapat patuloy na isinasagawa ang minimum public health standards.


 
 

ni Lolet Abania | March 20, 2022



Binigyan na ang Pilipinas ng rate na “very low risk” sa COVID-19 sa kabila na ang mga kalapit na bansa gaya ng Vietnam, Malaysia, Singapore, at Brunei ay nakararanas ng pagtaas ng impeksyon, ayon sa independent monitoring group na OCTA Research ngayong Linggo.


Sa isang tweet, ipinaliwanag ni OCTA Research fellow Dr. Guido David na ang Pilipinas ay nakapag-record ng average daily attack rate (ADAR) ng 0.47 noong Marso 18, na mayroong seven-day average na 527 cases.


Ang ADAR ay patungkol sa insidente na nagpapakita ng average na bilang ng mga bagong kaso batay sa isang period bawat 100,000 katao. Ang growth rate naman ng bansa sa mga bagong kaso mula sa naunang linggo kumpara sa kasalukuyang linggo ay nasa -22%. Nitong Martes, inianunsiyo ng Department of Health (DOH) na lahat ng lugar sa Pilipinas sa ngayon ay kinokonsidera nang low risk sa COVID-19.


Ini-report din ng OCTA na ang Timor Leste, Taiwan, Cambodia, at China ay nasa “very low risk” na rin sa viral disease na may ADAR na nagre-range mula 0.13 hanggang 0.86.


Gayunman, ang South Korea, Vietnam, Hong Kong, Malaysia, Singapore, at Brunei, silang lahat ay isinailalim sa “severe” category, kung saan ang South Korea ang nakapag-record ng may pinakamataas na ADAR sa mga bansa sa East Asia na nasa 788.15.


Ang Japan at Thailand naman ay isinailalim sa “very high” category na may ADAR ng 39.68 at 34.18, batay sa pagkakasunod.


Ini-report pa ng OCTA na ang Indonesia at Laos ay kapwa isinailalim sa “moderate” risk sa COVID-19, habang ang Myanmar ay isinailalim naman sa “low” risk na mayroong 1.08 ADAR. Samantala, nasa Alert Level 1 pa rin ang National Capital Region (NCR) at 47 ibang lugar sa bansa hanggang Marso 31.


Nakapagtala naman ang Pilipinas nitong Sabado ng 525 bagong COVID-19 infections, na umabot na sa 3,673,717 ang nationwide tally.


Sinabi rin ng DOH na wala pang nade-detect na hybrid coronavirus mutation na “Deltacron” sa bansa, habang patuloy ang kanilang pagbabantay at pagtutok sa mga surveillance systems sa gitna ng nadiskubreng bagong COVID-19 variant sa Israel.


 
 

ni Lolet Abania | October 13, 2021



Inalis na ng gobyerno ng Pilipinas ang mandatory quarantine sa isang facility para sa mga inbound travelers na fully vaccinated kontra-COVID-19 na nagmula sa bansang naklasipika bilang “green country” o may low risk ng infection, ayon sa Malacañang ngayong Miyerkules.


Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, ang mga traveler o biyahero ay kinakailangang magpakita ng negative result ng kanilang RT-PCR test, 72-oras bago ang departure sa pinanggalingang bansa. Pagdating sa Pilipinas, kailangan pa ring sumailalim sa home quarantine ng 14 na araw.


Ang mga bansa na naklasipika bilang green countries o may low risk ng COVID-19 infection ay ang mga sumusunod:

American Samoa

• Burkina Faso

• Cameroon

• Cayman Islands

• Chad

• China

• Comoros

• Republic of the Congo

• Djibouti

• Equatorial Guinea Falkland Islands (Malvinas)

• Gabon

• Hong Kong (Special Administrative Region of China)

• Hungary

• Madagascar

• Mali

• Federated States of Micronesia

• Montserrat

• New Caledonia

• New Zealand

• Niger

• Northern Mariana Islands

• Palau

• Poland

• Saba (Special Municipality of the Kingdom of Netherlands)

• Saint Pierre and Miquelon

• Sierra Leone

• Sint Eustatius

• Taiwan

• Algeria

• Bhutan

• Cook Islands

• Eritrea

• Kiribati

• Marshall Islands

• Nauru

• Nicaragua

• Niue

• North Korea

• Saint Helena

• Samoa

• Solomon Islands

• Sudan

• Syria

• Tajikistan

• Tanzania

• Tokelau

• Tonga

• Turkmenistan

• Tuvalu

• Vanuatu and

• Yemen


Gayundin, ang mga unvaccinated o may isang dose pa lamang ng COVID-19 vaccine na menor-de-edad na kasama ng kanilang fully vaccinated na mga magulang o guardians ay kailangan na sumunod sa quarantine protocols na naaayon sa kanilang vaccination status.


Gayunman, ang mga inbound travelers na wala ng isinasaad na requirements ay sasailalim sa mandated facility-based quarantine hanggang sa mailabas ang negatibong resulta ng RT-PCR test na ginawa sa kanila sa panglimang araw ng quarantine.


Para sa mga dayuhan, kailangan nilang mag-secure ng hotel reservations para sa tinatayang anim na araw.


Dagdag pa rito, ang magulang o guardian ay obligadong samahan ang kanilang mga anak sa quarantine facility para sa kabuuang facility-based quarantine period ng mga ito.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page