ni Ronalyn Seminiano Reonico | July 3, 2021
Namataan ang dalawang low pressure areas (LPA) sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) at ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), posible nitong maapektuhan ang direksiyon ng ashfall na ibinubuga ng Bulkang Taal.
Ayon naman kay NDRRMC Executive Director Ricardo Jalad, malabong maging tropical storms ang mga LPA.
Saad ni Jalad, “But ‘yung low pressure area na ‘yan ay magdudulot ng pag-ulan at paglakas ng hangin. At ‘yung hangin na ‘yun ay posibleng magtulak ng ashfall doon sa iba’t ibang lugar.”
Nagkaroon na rin umano ng pagpupulong ang PAGASA at NDRRMC ukol sa posibleng maging direksiyon ng hangin at sa maaaring maging epekto nito sa aktibidad ng Bulkang Taal.
Aniya, “So titingnan natin sa advisory na ibibigay sa atin… but for the purpose of forecasting, ipapakita namin ‘yung ibinigay na possible wind direction na pagdala nitong LPA at para sa knowledge ng ating mga kababayan.”
Samantala, nananatiling nakataas sa Alert Level 3 ang Bulkang Taal.