ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Nov. 6, 2024
Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 6, 2024 (Miyerkules): Kikilos ang kapalaran mo para bigyan ka ng magandang buhay. Kung magkataong hindi mo magustuhan ang pangyayari, muling kikilos ang iyong kapalaran para sa iyo.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ipanatag mo ang iyong sarili, huwag kang masyadong mag-isip, dahil mula ngayon, kusa nang gaganda ang mga pangyayari sa buhay mo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-11-20-23-28-30-41.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kasabay ng pagbuka ng bulaklak ang nakakagayumang bango sa paligid. Ito na rin ang iyong araw na kung saan marami ang tutulong sa iyo. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-6-15-22-36-38-40.
GEMINI (May 21-June 20) - Malaki ang tsansa na maligaw ka ngayon. Oo, puwede kang maligaw ngayon. Kaya naman pagtuunan mo ng pansin ang mga dapat mong gawin. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-5-18-21-26-36-42.
CANCER (June 21-July 22) - Hindi hihinto ang langit na ipagkaloob sa iyo ang mga biyaya, lalo na maraming umaasa sa iyo ngayon. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-8-11-16-20-23-39.
LEO (July 23-Aug. 22) - Nakakatuwa ang iyong kapalaran. Kahit na magkamali ka, lalapitan ka pa rin ng mga suwerte. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-1-19-28-35-38-42.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kikilos ka ngayon na para bang inlab na inlab ka. Ito rin ay senyales na papaganda at papaunlad na ang iyong buhay. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-5-14-21-24-32-35.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Muling babalik ang araw na kung kailan ay magbabalikan din ang mga nakaraang mong pag-ibig. Malilito at maguguluhan ka ngayon. Gayunman, ‘di ibig sabihin nu’n ay gaganda na rin ang takbo ng iyong love life. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-6-11-20-27-28-33.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hawakan mo nang mahigpit ang wagas at dalisay mong layunin. Magugulat ka sa mga pangyayari pero sa huli, ikaw pa rin ang mananaig. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-10-12-14-20-38.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Bawasan mo ang pagpaplano. Kumilos ka ayon sa pangangailangan mo ngayon, dahil kapag nagpatuloy ka sa pagbuo ng plano, mauuwi lang ito sa maling pagpaplano. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-19-25-28-36-45.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kapag marami ang sumasalungat sa mga kagustuhan mo, pumreno ka. Suriin mo muna ang mga kilos mo at hanapin ang mga dapat baguhin. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-18-22-24-38-40-41.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Masisilaw ka muli sa kislap ng iyong buhay. Ngayon mo rin makakalimutan na dati ka nang nasaktan at lumuha. Kaya bago pa mahuli ang lahat, kontrolin mo na ang iyong sarili. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-4-16-27-34-36-44.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Mas gaganda ang takbo ng buhay mo ngayon dahil na rin sa iyong paglalakwatsa. Hindi ka pinapayuhan na huminto sa pamamasyal, dahil tiyak na malayo pa ang iyong mararating. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-11-22-25-37-42.