ni Lolet Abania | November 17, 2020
Sinagot ng Commission on Higher Education (CHED) ang panawagan ng pagkakaroon ng academic break sa buong bansa o kahit Luzon-wide matapos ang matinding naidulot ng mga bagyong tumama sa ‘Pinas.
Sa isang interview kay CHED chairperson Prospero De Vera III, ipinunto niya na hindi makapagbibigay ng isang unilateral decision ang komisyon para sa academic break.
“No to both, especially for the nationwide academic break because the impact of the typhoon and the disasters are different across different parts of the country,” sabi ni De Vera sa interview ng CNN-Philippines, ngayong Martes.
“Number two, no also to the Luzon-wide (break) because the universities are already deciding on it,” sabi ni De Vera.
Una nang nag-anunsiyo ang mga unibersidad ng isang linggong suspensiyon ng kanilang klase bilang tugon sa mga naapektuhan ng bagyo, naging problema sa distance learning at iba pang pasanin ng mga estudyante at guro dahil sa kalamidad.
Ayon kay De Vera, ang mga school authorities at iba’t ibang lokal na pamahalaan ang dapat na magdeklara ng class suspension dahil mas nalalaman ng mga ito ang sitwasyon ng kani-kanilang lugar.
“We leave that to the school authorities, because different schools and different students and families are affected differently. This is still a matter that is being discussed. We don’t know yet the actual disaster assessment on the ground,” paliwanag ni De Vera.
“For schools that are severely affected, the commission will help these schools. And if the assistance is in terms of academic break then the commission will decide on appropriate time on what is the appropriate academic break for individual universities,” aniya pa.
Samantala, sinang-ayunan ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang naging desisyon ng CHED na walang nationwide o Luzon-wide academic break.
“Ang decision po ng CHED ay hindi po papayagan itong academic break na hinihingi ng ilan, kung hindi ang desisyon po ng en banc ng CHED ay para mag-extend po iyong mga pamantasan, mga kolehiyo na hindi nakapagklase dahil sa bagyo ng one or two weeks para po matapos ang kanilang semestre,” ani Roque sa news conference sa Cagayan.
“Tayo po ay nasa blended learning at ang primary mode of instruction po natin ay modular. So, hindi po masyadong naapektuhan dahil wala po ngang face-to-face classes sa lahat ng ating mga eskuwelahan,” sabi pa ni Roque.