ni Lolet Abania | February 4, 2021
Hanggang sa Marso 31, 2021 ang itinakdang deadline ng Commission on Elections (Comelec) para sa party-list registration sa darating na 2022 elections.
Sa isang statement na inilabas ni Comelec Spokesperson James Jimenez, “Under Comelec Resolution No. 10690, the deadline for the filing of Petitions for Registration and Manifestation of Intent to Participate of registering party-list groups, organizations and coalitions is on March 31, 2021.”
Gayundin ang deadline para sa kasalukuyang party-list groups, organizations at coalitions na magpa-file ng kanilang manifestation of intent na lumahok sa eleksiyon.
“Opposition to Petitions for Registration must be filed not later than the date when the case is submitted for resolution, while Petitions to Deny Due Course to a Manifestation of Intent to Participate must be filed within ten days from its date of publication,” ani Jimenez.
“Within the same period designated for the filing of Certificates of Candidacy under the Calendar of Activities for the 2022 NLE, a complete list of at least five nominees for Party-List representatives and other required documents in Section 3 of Resolution No. 10690 must be filed with the COMELEC,” dagdag ni Jimenez.
Gayunman, sakaling magkaroon ng substitusyon ng party-list nominees sa dahilan ng withdrawal, itinakda naman ng Comelec ang deadline sa November 15.
“However, if it’s by reason of death or incapacity, substitution is allowed until mid-day of election day,” saad ni Jimenez.
Ang mga kaso lang daw ng valid withdrawal at substitution o namatay o incapacity ang maaaring magkaroon ng pagbabago sa order ng nominees na kanilang papayagan matapos ang filing.
Ilalagay sa hulihan ng listahan ang pangalan ng substitute-nominee.
Aniya, kinakailangan din ng mga parties na i-publish ang bagong listahan ng substitute-nominees, at dapat na isumite ang proof of publication sa COMELEC.
Binanggit din ni Jimenez na ang petisyon na tinatawag na to deny due course at/o kanselasyon ng nominasyon ng party-list nominees ay kinakailangang isumite sa loob ng 10 araw mula sa publication nito, o sa loob ng 10 araw mula sa submisyon ng proof of publication ng substitute-nominees sa COMELEC.
Samantala, ang petisyon para sa disqualification ng party-list nominees ay kinakailangang ihain na hindi lalampas sa petsa ng proklamasyon nito.
“The Commission now has broader powers to disqualify or cancel the Certificate of Nomination and Acceptance (CONA) of a nominee. At any time before proclamation, any nominee who is disqualified, ineligible, or lacks the qualification provided by law, or whose nomination is contrary to law and the rules, may be motu propio disqualified,” sabi pa ni Jimenez.