ni Lolet Abania | March 10, 2021
Umapela ang Philippine National Police (PNP) sa publiko na iwasan ang pagpapakita ng tinatawag na ‘physical, social and romantic relationships’ o public display of affection (PDA) dahil taliwas ito sa health protocols na ipinatutupad habang nasa gitna ng COVID-19 pandemic ang bansa.
"The virus may be right before them. Infection happens to families, it can happen to anyone, anywhere," pahayag ni PNP Spokesman Police Brigadier General Ildebrandi Usana ngayong Miyerkules.
Ayon kay Usana, dahil sa pagtaas ulit ng mga bagong kaso ng COVID-19, dapat na ang publiko ay nananatiling maingat mula sa pagkalat ng virus.
"And if you love your spouse, your children, you have to be conscious of the minimum health and safety protocols," ani Usana.
Naniniwala naman si Usana na susunod ang publiko sa ipinatutupad na protocol, lalo na kapag nasa mga commercial at recreational establishments kahit pa walang pulis na nakabantay.
"Sila na po ang magkusang maghiwalay properly in public," sabi ng opisyal.
Sinabi pa ni Usana na binigyan ng direktiba ang mga pulis na tawagin ang atensiyon ng mga taong nagsasagawa ng ‘kissing, holding hands or hugging in public’.
Gayunman, ayon kay Usana, “This appeal is for couples, close friends, who are very dear to each other, family clans and group of people.”