ni Lolet Abania | April 20, 2022
Niyanig ng magnitude 5.3 na lindol ang Manay, Davao Oriental ngayong Miyerkules nang hapon, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).
Sa ulat ng PHIVOLCS, alas-5:07 ng hapon, naitala ang lindol kung saan tectonic ang pinagmulan.
Ang epicenter ng pagyanig ay matatagpuan sa layong 06.30°N, 127.18°E - 123 km S 35° E ng Manay, Davao Oriental. Habang may lalim ang lindol ng 70 kilometro.
Ayon sa PHIVOLCS, wala namang nai-record na napinsala at aftershocks matapos ang lindol.