ni Lolet Abania | April 27, 2022
Tatlong kandidata ang iniulat na umatras mula sa Binibining Pilipinas competition ngayong taon.
Sa isang statement na na-upload sa social media ngayong Miyerkules, ayon sa Binibining Pilipinas Charities, Inc. (BPCI), “it has officially accepted the withdrawal of Gwendoline Meliz Soriano, Ma. Francesca Taruc, and Iman Franchesca Cristal” mula sa pageant.
“We thank them for their time and wish them well in their future plans. Given this development, we are happy to welcome the new addition to our latest batch of Binibinis: Patricia Ann Tan, Ma. Isabele David and Joanna Marie Rabe,” dagdag ng BPCI.
Matatandaang inanunsiyo ng BPCI, ang kanilang Top 40 candidates para sa Bb. Pilipinas pageant noong Biyernes.
Ayon pa sa BPCI, ang mga magwawagi sa 2022 Bb. Pilipinas competition ay magre-represent sa bansa sa Miss International, Miss Globe, Miss Intercontinental, at Miss Grand International, at sa iba pang pageants.