top of page
Search

ni Lolet Abania | July 14, 2022




Pinal na ang pagsisimula ng klase para sa School Year 2022-2023 sa Agosto 22, ayon kay Vice President at Department of Education (DepEd) Secretary Sara Duterte ngayong Huwebes, sa gitna ng mga panawagan para sa pagpapaliban nito.


“Iyong school year po natin ay approved na ng Pangulo, August 2022 to July 2023,” pahayag ni VP Sara sa mga reporters.


Ito ang naging tugon ni VP Sara sa panawagan ng Teachers’ Dignity Coalition na iurong ang pagbubukas ng iskuwela upang makapagbigay ng mas maraming oras sa mga guro at estudyante na makapaghanda para sa in-person classes.


Ayon sa DepEd secretary, ang pinagsamang o combined in-person classes at distance learning ay ipatutupad mula Agosto hanggang Oktubre, habang ang 5-araw na face-to-face classes ay sisimulan sa Nobyembre.


Sinabi rin ni VP Sara na ang mga paaralan ay ligtas nang makapagbubukas ng klase sa ngayon dahil sa nakapagtakda at nagsagawa na rin ng mga health protocols noong nakaraang dalawang taon.


“The difference now is we know the health protocols by heart, we have vaccines and we have a lot of supply of it, and we have COVID-19 medicines,” ani VP Sara.


“Wala na po tayong aantayin,” dagdag pa niya.

 
 

ni Lolet Abania | July 14, 2022




Magpapatupad ang Philippine National Police (PNP) ng gun ban sa Metro Manila simula Hulyo 22 hanggang Hulyo 27, ito ay para sa seguridad ng unang first State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.


Ayon kay PNP director for operations chief Police Major General Valeriano de Leon, inaprubahan na ni PNP officer-in-charge Lieutenant General Vicente Danao Jr. ang gun ban.


“I just talked to our good officer-in-charge si Lieutenant General Vicente Danao and he verbally approved the conduct of suspension of permit to carry firearms outside residence and that is three days before the SONA -- and that is July 25 -- and two days after the SONA,” sabi ni De Leon reporters sa isang interview.


Kaugnay nito, nasa 15,000 security personnel, kabilang na ang mga police personnel, sundalo at force multipliers mula sa ibang mga ahensiya ng gobyerno ang ide-deploy para sa SONA ni Pangulong Marcos sa Hulyo 25.


Isang task force ang bubuuin para sa seguridad ng SONA, kung saan may koordinasyon ito sa ibang mga ahensiya ng gobyerno para sa traffic rerouting, pagsasaayos ng mga protesters, at iba pang security issues.


Papayagan naman ang mga protesters na magsagawa ng kanilang mga programa sa mga naka-designate na freedom parks.


Ipapatupad din ng pulisya ang maximum tolerance sa mga protesters para maiwasan ang hindi kailangang komprontasyon sa mga ito, ayon pa kay De Leon.

 
 

ni Lolet Abania | July 14, 2022




Nasa 15,000 security personnel ang ide-deploy para sa seguridad ng unang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Hulyo 25, ayon sa Philippine National Police (PNP) ngayong Huwebes.


Sa isang statement, sinabi ng PNP na ang mga itatalaga sa SONA ay binubuo ng mga police personnel, sundalo, at force multipliers mula sa iba pang mga ahensiya ng gobyerno.


Ayon kay PNP director for operations Police Major General Valeriano de Leon, naiprisinta na ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Police Major General Felipe Natividad, ang isang security plan kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos noong nakaraang linggo.


“The presentation was impressive, but there will be minor adjustments in the actual deployment,” saad ni De Leon.


Isang task force ang bubuuin para sa seguridad ng SONA, kung saan may koordinasyon ito sa ibang mga ahensiya ng gobyerno para sa traffic rerouting, pagsasaayos ng mga protesters, at iba pang security issues.


“The security preparations would not be as stringent as the inauguration because this will be done in a closed building, but still, we have to be very careful about the surroundings, especially that Quezon City is a populated area,” sabi ni De Leon.


Gaganapin ang SONA ni Pangulong Marcos sa Batasang Pambansa sa Quezon City.


Sinabi naman ni De Leon na ang mga protesters ay maaaring magsagawa ng kanilang mga programa sa freedom parks.


“We expect rallyists to air their issues, but we encourage them to hold it at the right venue,” ani De Leon. “There will be dialogue on this matter with them... We also have to respect their rights,” dagdag niya.


Batay rin sa direktiba ni PNP officer-in-charge (OIC) Police Lieutenant General Vicente Danao Jr., ayon kay De Leon, ipapatupad ng pulisya ang maximum tolerance sa mga protesters para maiwasan ang hindi kailangang komprontasyon sa mga ito.


Kaugnay nito, una nang sinabi ni House Secretary General Mark Llandro Mendoza na papayagan na ang full capacity sa Batasang Pambansa Complex para sa SONA ni Pangulong Marcos sa gitna ng COVID-19.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page