ni Lolet Abania | July 6, 2022
Nakipagpulong si Pangulo Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga opisyal ng Department of Health (DOH) ngayong Miyerkules upang kanilang talakayin ang COVID-19 response ng bansa.
Kabilang sa mga present sa naturang meeting sa Aguinaldo State Dining Room sa Malacañang Palace ay sina DOH Undersecretaries Maria Rosario Vergerie, Ma. Carolina Vidal-Taiño, Abdullah Dumama Jr., Lilibeth David at Assistant Secretary Maylene Beltran.
Sa parehong pulong ay dinaluhan din ng mga executives mula sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) at Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).
Ayon sa DOH, ang vaccination coverage at ilang inirekomendang mga istratehiya para mag-improve ang COVID-19 response ng bansa ang kanilang tinalakay sa nasabing meeting.
Naroon din sa pulong sina Executive Secretary Victor Rodriguez, Special Assistant to the President (SAP) Secretary Antonio Lagdameo Jr., Presidential Management Staff Secretary Ma. Zenaida Angping, at Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos Jr.
Sa ngayon, wala pang inilalabas na ibang impormasyon ang Palasyo tungkol sa napag-usapan sa pulong.
Gayundin, wala pang itinalaga si Pangulong Marcos na DOH chief.
Samantala, sinusuportahan ng DOH ang statement ni Pangulong Marcos na ang mas nakahahawang Omicron variant ng COVID-19 na aniya, “a little contagious but does not hit as hard,” kumpara sa ibang variants dahil ayon sa ahensiya ito ay suportado ng data.
Ito ang tugon ng DOH, matapos na ihalintulad ni Pangulong Marcos ang Omicron sa flu, sa gitna ng pagtaas ng COVID-19 infections sa bansa sa mga nakalipas na linggo.
“The COVID-19 Omicron variant, though transmissible, does not result in more severe and critical cases compared to other variants. Data do support the President’s observation,” saad ng DOH sa isang statement.
“Only 1.8% of Omicron cases became fatalities, versus 5.55% among Alpha and 4.9% among Delta,” sabi pa ng DOH.