ni Lolet Abania | July 9, 2022
Nag-alay ng panalangin si Vice President Sara Duterte para sa mabilis na paggaling ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na nagpositibo sa test sa COVID-19.
Naiulat na si Pangulong Marcos ay nagpapagaling na sa bahagyang lagnat o sinat at naka-isolate ng pitong araw matapos na magpositibo sa antigen test.
“I offer my earnest prayers for the fast recovery of President Ferdinand Marcos Jr. who tested positive for COVID-19,” sabi ni VP Sara.
“May God continue to bless him with good health as he leads the country. Daghang salamat,” dagdag niya.
Una nang sinabi ni Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire na si Pangulong Marcos ay mag-a-isolate ng pitong araw at nasa doktor na ng Pangulo ang desisyon kung sasailalim pa ito sa confirmatory RT-PCR test.
“After that, if his symptoms have been resolved already, he may be able to get back to work and have his face-to-face activities,” saad ni Vergeire.
Si Pangulong Marcos ay dati nang nagpositibo sa test sa COVID-19.
Tinamaan siya ng viral disease noong Marso 2020 matapos na mag-travel mula sa Europe. Nang panahong iyon, ayon sa kampo ng Pangulo, bumisita siya sa isang ospital dahil sa nagkaroon siya ng problema sa paghinga.
Sa kanyang inaugural speech noong Hunyo 30, nabanggit ni Pangulong Marcos ang kanyang naging karanasan sa COVID-19.
“I was among the first to get COVID; it was not a walk in the park,” pahayag ng Pangulo.