top of page
Search

ni Lolet Abania | March 15, 2021




Walang isasagawang plenary session sa Senado bukas, March 16, matapos na ilagay ni Senate President Vicente Sotto III ang chamber sa "complete lockdown" kasabay na ang mga miyembro ng bills at index office ay sumailalim sa quarantine.


Ito ang inanunsiyo ni Sotto sa mga kapwa senador sa kanilang plenary session ngayong Lunes, kung saan ang ikalawang team na nasa bills at index office ay nagsimula nang mag-quarantine ngayong araw, matapos na isa sa mga miyembro nito ay pumasok sa trabaho kahit na masama na ang pakiramdam.


Agad na dinala ang nasabing miyembro sa ospital at nagpositibo ito sa COVID-19. Isa pang grupo sa bills at index office ang naka-quarantine noon pang nakaraang linggo, kaya wala nang miyembro sa kanilang opisina ang natira para magtrabaho.


"So with that, we cannot do any amendments, any other bills can be taken up until the full sanitation is done at least tomorrow. There cannot be any sessions. We cannot do anything without the bills and index office," ani Sotto.


"We are declaring a lockdown tomorrow... The suggestion here is a complete lockdown of the Senate," dagdag nito. May dalawang committees na nakatakdang mag-hearing bukas, ani Sotto, at maaaring ituloy ang meeting subalit "walang sinuman ang dapat naroon sa Senado.” "The Senate will be in a complete lockdown tomorrow," ani pa ng Senate President.


Una nang inanunsiyo ni Sotto ngayong umaga ng Lunes na paiigsiin ang mga sesyon nang hanggang alas-6 ng gabi para makasunod ang mga empleyado ng Senado sa curfew na ipatutupad sa Metro Manila sa gitna ng biglang pagtaas ng COVID-19 cases.


Naglabas din ng advisory si Senate Secretary Myra Marie Villarica na ang executive lounge at ang canteen ng chamber ay pansamantalang isasara nang 14 araw simula ngayong Lunes matapos na tatlong empleyado ng in-house caterer ng chamber ay nagpositibo rin sa COVID-19, at pinayuhan niya ang lahat ng empleyado na magbaon na lamang ng pagkain habang sarado ang canteen.


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | December 31, 2020




Isasailalim sa lockdown ang Sulu simula sa Enero 4 hanggang 17, 2021 dahil sa bagong COVID-19 variant, ayon kay Governor Abdusakur Tan.


Pinirmahan ni Tan noong Martes ang executive order na naglalayong isailalim sa lockdown ang naturang lugar matapos ma-detect ang bagong variant ng COVID-19 sa Sabah.


Aniya, "Extendable po iyan, depende po sa sitwasyon. At alam iyan ng ating mga kababayan dito na ito ay para sa kanila.”


Humingi rin ng national government assistance si Tan para magpatrolya sa coastlines ng Sulu at upang magkaroon ng sapat na COVID-19 testing machines at food supply.


 
 

ni Lolet Abania | August 30, 2020




Isasailalim sa lockdown ang General Santos City Fish Port Complex simula sa September 2 hanggang September 8.


Ito ang naging tugon ng siyudad, matapos na ma-exposed ang naitalang lima na bagong tinamaan ng coronavirus o covid-19 sa complex.


Ayon sa city-Inter Agency Task Force, magsasagawa ng disinfection at magkakaroon ng contact tracing habang naka-lockdown ang naturang lugar.


Samantala, mahigit sa 100,000 empleyado ang maaapektuhan sa gagawing lockdown, na ayon sa awtoridad, tinatayang P70 million ang mawawala sa kita ng lokal na pamahalaan.


Sa datos ng Department of Health-GenSan, may kabuuang 65 kumpirmadong kaso ng covid-19 ang siyudad, kung saan 27 dito ay aktibo.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page