top of page
Search

ni Lolet Abania | September 20, 2021



Nasa tinatayang 155 ang namatay dahil sa COVID-19 kada araw ang nai-record sa bansa nitong Agosto, kung saan pinakamataas simula ng tumama ang pandemya ng COVID-19 noong nakaraang taon.


Sa inilabas na update ngayong Lunes, ayon kay Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang 155 na naitalang nasawi ay napaglasan pa ang dating record noong Abril na 135 na namatay kada araw sa COVID-19.


Una nang sinabi ng DOH na nakapagtala ang bansa ng average na 131 namatay sa COVID-19 kada araw noong nakaraang buwan matapos na tumaas ang mga kaso ng coronavirus dahil sa pagkalat ng mas nakahahawang Delta variant.


“At the national level, deaths have been increasing since the last week of July and the new peak was seen in mid-August. With the incoming deaths report, current numbers are still expected to increase,” ani Vergeire sa isang online press conference.


“We cannot attribute it to just one factor and the most plausible explanation, for now, is the number of deaths is increasing because the cases are increasing also,” dagdag ng kalihim.


Lumabas din sa datos ng ahensiya na nakapag-register ng 99 nasawi kada araw mula Setyembre 1 hanggang 19.


“We are closely monitoring Regions 3, 4A, the National Capital Region, Regions 7, 2, 6, 1, and CAR as these regions posted the highest total deaths for the first two weeks of September. Their average daily deaths also show an increasing trend since August,” pahayag pa ni Vergeire.


Gayunman, ang kaso ng fatality rate na 1.68% ay mas mababa kumpara noong nakaraang taon na 2.47% hanggang Setyembre 19, ani Vergeire, “Despite cases and deaths increasing by more than twofold this year.”


Sa ngayon, nakapagtala ang bansa ng 36,934 nasawi dahil sa COVID-19.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | September 18, 2021



Ipinauubaya na ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa mga LGU kung gagawing biglaan o magbibigay ng abiso sa mga lugar na ila-lockdown.


"Kung minsan po ang ginagawa ng mga LGUs para hindi umalis, at lumipat ng ibang bahay 'yung mga ila-lockdown, ay kaagad-agad nilang nila-lockdown ang isang lugar. But will leave it now to the discretion of the LGUs kung sila ba ay biglang magla-lockdown lamang or magbibigay sila ng advance warning sa mga lugar na ito," ani DILG Undersecretary Jonathan Malaya.


Sa naunang panayam sinabi ni Malaya na estrikto ang "no entry, no exit" policy sa mga na-lockdown. Sa katunayan, pati ang mga may balak o schedule para magpabakuna ay hindi rin pinapayagang makalabas.


Matatandaang umalma ang mga residente dahil sa mga biglaang lockdown na ipinatupad sa ilang lugar sa NCR.


Pangamba naman nila, maaapektuhan ang kanilang hanapbuhay at ang mga nakaambang bayarin gaya ng renta, tubig, at kuryente.


Sinabi naman ni Parañaque City Mayor at Metro Manila Council Chairman Edwin Olivarez na dapat itong silipin ng gobyerno dahil walang pinansiyal na ayuda ang national government kapag granular lockdown.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | September 16, 2021



Inanunsiyo ng Pamahalaang Bayan ng San Miguel, Bulacan na ipatutupad dito ang Barangay Clustering Rotating Lockdown simula bukas, Setyembre 17, 2021.


Laman ng Executive Order No. 14 ang scheduled lockdown ng 49 barangay kung saan hinati-hati ito sa anim na cluster. Bawat barangay ay mayroong dalawang araw na lockdown hanggang Setyemre 30.


Kasama sa anunsiyo ang panuntunan sa pagbubukas ng mga establisimyento sa buong bayan kung saan tuwing Linggo ay sarado ang pamilihang bayan at ang maaari lamang mag-operate ay mga botika at institusyon na may kinalaman sa medical services, remittance centers, water refilling stations, gasoline stations, at mga restaurant ngunit take out o delivery services lamang.


Ipinagbabawal din ang pagbili at pagbebenta ng mga alak hanggang Setyembre 30, 2021.


Ipinatutupad din ang curfew hours mula 8 p.m hanggang 5 a.m, maliban sa mga emergency services, mga empleyado ng mga pinapayagang industriya, at mga APOR, basta ipapakita ang kanilang I.D.


Excempted naman sa rotating lockdown ang mga naka-schedule sa bakuna at PSA ID system.


Pahayag ni Mayor Roderick Tiongson sa kanyang Facebook page, “Ako ay muling nakikiusap, ang inyong kooperasyon, disiplina, pakikisama at pakikiisa ay napakahalaga upang labanan ang COVID-19. Kung walang importanteng gagawin ay manatili sa inyong mga tahanan. Inaasahan ko po ang pagtalima ng lahat.”


Ayon sa PNP San Miguel, patuloy ang kanilang checkpoint sa mga border control points at patrolling ng kanilang mga kawani sa bawat barangay.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page