top of page
Search

FPni Angela Fernando - Trainee @News | November 21, 2023




Makikitang muli ng madla si Hope o mas kilala bilang Liza Soberano sa susunod na season ng Korean show na "Hwaiting."


Ibinahagi ng Dive Studios ngayong Martes na kasali si Hope sa ika-apat na season ng nasabing palabas online.


Saad ng Dive, pinakakapana-panabik ang magiging season ngayon ng nagbabalik na palabas at dapat abangan ng mga tagasuporta nito.


Hindi naman naitago ng aktres ang saya nito sa kanyang post sa Instagram at sinabing excited siya na mapanood ng lahat ang TV show.


Makakasama ni Hope sa palabas ang ilan sa mga naglalakihang bituin ng K-pop, tulad nina Eric Nam, Kevin and Jacob ng The Boyz, Jinjin ng ASTRO, at former Momoland member na si Nancy.




 
 

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | March 3, 2023



Issue pa rin hanggang ngayon si Liza Soberano at ang mga sinabi niya sa kanyang vlog. Ang dami pa ring nagre-react sa mga pahayag niya lalo na nga ang mga nakakaalam sa past ng aktres.


And of course, isa ang kanyang dating manager na si Ogie Diaz sa mga nakakaalam ng kanyang nakaraan dahil ito ang kasama niya sa mahigit 10 years na journey niya sa kanyang karera.


Sa latest vlog ni Ogie kasama sina Mama Loi at Ate Mrena, muling napag-usapan ang tungkol sa screen name ni Liza na sinasabi nga ng aktres na hindi siya ang pumili.


Ayon kay Ogie, sa pagkakatanda niya ay pumayag din ang aktres sa screen name na

“Liza” nang i-discuss ito sa kanila. Tsika ng talent manager/vlogger, Hope Elizabeth Soberano raw talaga ang real name ni Liza at ang unang screen name nito ay Hope Soberano.


Dahil isang syllable lang ang Hope, naisip ni Malou Santos na gawing Liza na mula naman sa Elizabeth. Nagustuhan daw ng lahat ang pangalan at pati mismo si Liza ay pumayag.


Kaya sey ni Ogie, nagtataka siya kung bakit parang nakakalimutan ni Liza ang mga pangyayari gayung matalas daw ang memory nito.


Isa pang nabanggit ni Ogie ay ‘yung tungkol sa sinabi ni Liza na wala siyang boses sa kanyang career. Lagi raw tinatanong ang aktres sa kanyang opinyon o mga bagay na gusto at ayaw niya. Kaya nga raw apat na pelikula lang ang nagawa nito sa Star Cinema dahil ito raw talaga ang pumipili ng mga proyekto niya na gustong gawin.


Maging ‘yung huling pitching ng Star Cinema kina Liza at Enrique Gil na adaptation ng hit Korean drama na It’s Okay To Not Be Okay ay hindi nga rin daw tinanggap ng dalawa which means may ‘say’ talaga ang aktres sa mga bagay patungkol sa career.


Naalala rin ni Ogie na tinanong si Liza ni Direk Olive Lamasan kung gusto ba nitong makapareha ang ibang aktor other than Quen (Enrique).


“Ang natandaan kong sabi ni Liza ay baka hindi pa handa ang mga fans ng LizQuen, baka hindi nila matanggap. So, gusto pa rin ni Liza, si Enrique pa rin. So, si Liza pa rin ang nasunod.


“Kaya nagtataka ako ru'n na hindi nabigyan ng boses si Liza sa kanyang mga ideas, sa kanyang mga thoughts, para sabihin kung ano ‘yung gusto niyang gawin, na parang nakakulong lang siya sa kahon, parang diniktahan lang siya at nagmukha siyang bulaklak,” sey ni Ogie.


Hindi raw talaga ganu’n ang nangyari pero baka raw ganu’n ang feeling ni Liza kaya gusto na lang niyang intindihin kung saan nanggagaling ang aktres.


 
 

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | September 3, 2020




Unti-unti ay nagpapakita na ng skin ang Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo.


Post ni Kath sa kanyang social media account “outfit of the day” kung saan nag-react ang kapwa actress na si Liza Soberano.


Ang komento ni Liza ay tatlong red hearts, meaning gusto niya ang OOTD ng dyowa ni Daniel Padilla.


Ibinahagi ni Kathryn ang kanyang bareback outfit kahit alam niyang marami ang mamamangha at magugulat sa kanyang OOTD post.


Kaya naman pala, may ipino-promote na beauty product ang actress.


Sabi nga ng mga netizens, tiyak daw na masusundan pa ng pagpapakita ng skin si Kath dahil sa produktong ineendorso niya.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page