ni Ronalyn Seminiano Reonico | January 14, 2021
Ipinatupad ang liquor ban sa Lingayen dahil sa nakakaalarmang pagdami ng kaso ng COVID-19.
Ayon kay Mayor Leopoldo Bataoil sa executive order, simula ngayong araw, January 14, hanggang March 31 epektibo ang liquor ban sa naturang lugar.
Saad pa sa naturang order, “It shall be unlawful within the Municipality of Lingayen for any person to sell, distribute, buy, or drink an alcoholic beverage in a public place from January 14, 2021, until March 31, 2021, unless extended or lifted as circumstances warrant.”
Ang pagkonsumo umano ng mga alcoholic beverages sa mga pampublikong lugar ay “attracts crowds and leads to the non-observance of physical distancing and possible spread of the virus.”
Sa ngayon ay mayroon nang 24 aktibong kaso ng COVID-19 sa naturang lugar.