Ginagawa sa selebrasyon ng Fall Equinox para gumanda ang career
ni Sr. Socrates Magnus II - @Karunungang Lihim| September 27, 2020
Bigyang-daan natin ang ilang impormasyon na maaaring makatulong para gumanda ang ating buhay.
Noong Setyembre 22, naganap ang Fall Equinox kung kailan nagpantay ang haba ng nighttime at daytime.
Bago ito, ang nighttime ay mas mahaba kaysa sa daytime, kumbaga, ang gabi ay mas mahaba kaysa sa araw.
Noon pa man, ipinagdiriwang na ng mga sinaunang tao ang pagdating ng Fall Equinox. Sa salitang pagdiriwang, ibig sabihin ay nagsasaya sila na kakaibang pagsasaya at ito ay maihahalintulad sa fiesta.
Ang bonggang pagsasaya ay umaabot sa susunod na kabilugan ng buwan o full moon.
Ipinagdiriwang ang Fall Equinox kung saan ang nasa isip ay mawala na ang mga pangit na pangyayari na kanilang nararanasan, lumayo ang mga salot sa mundo at magkaroon ng masaganang ani.
Ito ang mga ginagawa sa selebrasyon ng Fall Equinox:
● Nagsusot ng bagong damit o kasuotan.
● Nagbibigay ng masasayang pagbati at masayang kumustahan ang mga tao. Ang masayang pagbati ay “Hi” at “Hello”, gayundin ang “Kumusta ka?”
● Pinatatawad ang mga nagawang kasalanan ng kapwa, as in, nagpapatawaran ang mga tao.
● Nagbibigay ng mga regalo.
● Ang mga may-kaya ay namimigay ng pera o mga ani tulad bigas, mais, trigo at prutas.
● Dinadalaw ang mga kaibigan, kamag-anak at malalapit sa puso na nasa malayo at sila ay may bitbit na regalo.
● Nagsasalu-salo sa labas ng bahay, hardin o bakuran.
● Nag-iinuman ang mga tao, pero hindi naglalasing.
May mga bagay naman na ginagawa para sa sariling kaligayahan:
Nagbabaon ng buto sa lupa mula sa matamis na prutas para mas gumanda pa ang career.
Inaalis ang mga petals ng bulaklak at ibinabaon din sa lupa para magkaroon ng kasintahan o makapag-asawa na ang mga single.
Nagbabaon ng buong prutas na bilog para bumalik ang mahal sa buhay na umalis o naagaw ng iba.
Nagbabaon ng kambal na buto sa lupa para magkaroon ng anak.
Naghahagis ng mga dinurog na dahon ng mga halamang “evergreen” para magpatuloy ang magandang buhay na tinatamasa.
Ang mga halamang evergreen at kahit anong halaman na nananatiling kulay berde ang mga dahon kahit sumapit ang tag-ulan, tag-init, tag-lamig at tagtuyot.
May ilan pang mga puwedeng gawin. Gayunman, sapat na ang mga nasa itaas para makinabang ang tao sa nagaganap ngayon.
Good luck!