ni Jersy Sanchez - @Life & Style| July 18, 2021
Pero bago kayo magpakalasing, narito ang ilang alcoholic drinks na may healthy benefits sa ating pangangatawan:
1. RED WINE. Pagdating sa ‘healthier alcohol’, ito ang numero-uno. Ayon sa mga eksperto, ang red wine ay may antioxidants, na may kakayahang protektahan ang cells, at mayroon din itong polyphenols na nagpo-promote naman ng heart health. Gayunman, ang white wine at rose ay mayroon din nito, ngunit mas kaunti lamang ang bilang. Samantala, ayon sa pag-aaral, ang red wine ay nakapagpapaganda ng cardiovascular health, bone density at brain health.
2. CHAMPAGNE. Ang mga ubas na ginagamit upang makagawa ng champagne ay may mataas na phenolic compounds, isang uri ng antioxidant na nagpapalakas ng brain health at nakapagpapababa ng panganib ng dementia.
3. TEQUILA. Base sa isang pag-aaral na ginawa sa mga daga, ang pagkonsumo ng agave tequila plant ay puwedeng magpataas ng calcium absorption at nagpaganda ng bone health. Gayunman, para sa mga tao, hindi umano gaanong kapani-paniwala na ang pag-inom ng tequila ay nakatutulong upang magamot ang calcium deficiency o bone conditions tulad ng osteoporosis. Samantala, sey ng experts, ang clear liquors tulad ng tequila ay low-calorie drink.
4. WHISKEY. Tulad ng nabanggit, ang red wine ay may antioxidant benefits at base sa pag-aaral, ang whiskey ay may parehong epekto. Gayundin, ang moderate alcohol usage at mas maraming antioxidant intake ay nakapagpapababa ng heart disease risk.
Bagama’t hindi maikokonsiderang “health food”, mayroon namang healthier options.
Gayunman, ang technique pa rin sa pag-inom nang alak ay ang ‘moderation’ at pagtimbang ng health benefits laban sa negatibong epekto ng pag-inom nito.
Anyways, kung nagbabalak ka nang huminto sa unhealthy drinks, subukan lamang ang mga nabanggit na inumin. Pero tandaan, always drink responsibly. Okie?