by Info @Brand Zone | Oct. 14, 2024
Masyado nang maraming kaganapan ngayon. Ngunit, gaano nga ba tayo kahanda sa mga susunod na mga pangyayari? Ilang buwan na lang din ay matatapos na ang taong 2024. Mga besh, ready na rin ba kayo sa mga bagong pagsubok at mga nakaka-stress na ganap sa buhay?Aware akong minsan napanghihinaan na rin kayo ng lakas ng loob na lumaban, at minsan ‘di n’yo na rin malaman ang inyong gagawin. Huwag kayong mag-alala, dahil narito ako para magbigay ng ilang survival tips para patuloy na lumaban ngayon. Halina’t alamin na natin ito!
NEVER EXPECT ANYTHING FROM ANYONE. Bago matapos ang taong 2024, tulungan natin ang ating sarili na maging independent. Napakahirap gawin, pero importanteng matutunan natin ito. Sa paglipas ng panahon, sure akong parami nang parami ang mga bagay na dadalhin natin, at hindi sa lahat ng pagkakataon ay may mga taong nand’yan para sumalo sa atin.
BLOCK OUT ALL THE NOISE. Mas magiging madali at magaan ang buhay natin kung iiwasan nating ma-involve sa drama ng mga taong nakapaligid sa atin. ‘Yun bang feeling na paulit-ulit na lang.
FOCUS ON YOUR GOALS. Kung gusto nating maka-survive, magpokus tayo sa mga pangarap natin. Kung may bagay man na dapat pagtuunan ng oras at panahon, ito ay ang pag-abot sa mga gusto natin. Oks?
DON'T LET FAILURE STOP YOU. Lahat ay dumadaan dito at nasa atin kung paano natin ito haharapin. Siyempre, dapat du’n tayo sa positibo. ‘Ika nga, “Kung nadapa tayo, bangon agad!” Kung pababayaan nating malugmok ang ating sarili, ano sa tingin n’yo ang mangyayari sa atin? ‘Di ba, wala? Kaya mga Ka-BULGAR. Maging wais tayo sa pagdedesisyon. Gets?
AVOID ALLOW NEGATIVITY. Bawal ang nega! Kaya kung papatulan natin ang kanegahan ng ibang tao, aba parang wala na rin tayo nu’ng pinagkaiba sa kanila. Huwag n’yo nang i-level pa ang sarili n’yo sa mga ganu’ng klaseng tao. Oki?
Kaya pakatatandaan, ang struggle ay parte talaga ng buhay, pero may magagawa pa tayo para maging mas makabuluhan ang mga oras natin habang ‘di pa ito natatapos. Oo, hindi ito madali, pero for sure, kaya natin ‘yan. Tayo pa ba?