ni Lyricko Seminiano - @What's In, Ka-Bulgar | September 05, 2021
P-rinsesang marikit na taga singgalong,
A-ba’y tila nabighani sa ‘yo itong hamak na simpleng sundalong
R-ason ka kung ba’t may gana sa ‘king bawat pagpasok,
A-t sa t’wing nasisilayan ka’y nawawala ang pagod.
K-aya kung sakali mang ako’y iyong maririnig,
A-ng gusto ko’y malaman mong ikaw ang aking daigdig,
‘Y-an ang nadaramang taos dito sa ‘king dibdib.
R-osas ka na nasa gitna ng talahiban,
O-o, dahil isa lang sa milyon ang iyong katangian,
A-t ang mapungay mong mata na tila may taglay na hipnotismo,
N-u’ng una kang makita, ikot ng mundo’y napahinto mismo.
G-usto ko lamang gumawa,
O-bra na ikaw lang mismo ang paksa,
N-gumiti ka lamang ay sapat na,
Z-afiro, diyamante o ginto man ay ‘di sapat upang ilarawan
A-ng buhay ko kung paano mo ‘to inilawan,
L-aman ka ng mga dasal ko’t panalangin dahil inspirasyon ka at lakas mangarap sa ‘yo ko natutunan,
E-to simpleng bagay na pinalaanan at pinagtuunan,
S-inulat kong tula na para kay Roan.