ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | May 12, 2021
Walang mass gatherings, check! Wala munang piyesta-piyesta, check! para hindi magpiyesta si COVID-19 sa rami ng tao. Kaya, gunitain na lang natin ang mga kapistahang idinaraos tuwing buwan ng Mayo.
1. ANG FLORES DE MAYO - idinaraos sa buong bansa tuwing buwan ng Mayo. Literal na ibig sabihin ay “flowers of May,” ang fiesta ang gumugunita sa paghahanap ng Banal na Krus ni Reyna Elena at ng kanyang anak, si emperor Constantine. Ang kapistahan na ito sa bansa ay nagtatampok sa parada ng mga kadalagahan na ineeskortan ng mga batang kalalakihan na may hawak na arko ng mga bulaklak. Ang pangunahing kalahok dito ay kinatatampukan ni Reyna Elena at ng emperor.
2. ANG PULILAN CARABAO FESTIVAL – ginaganap ito tuwing ika-14 na araw ng Mayo sa Pulilan, Bulacan. Daan-daang nakakolereteng mga inaayusang kalabaw ang ipinaparada ng mga magsasaka sa lahat ng kalye patungo sa simbahan. Pagdating sa tapat ng simbahan, kukumpasan ang mga kalabaw na lumuhod sa tapat ng santo ni San Isidro de Labrador, ang patrong santo ng mga magsasaka.
3. ANG PAHIYAS –tuwing ika-15 ng Mayo, ang mga pamilya ng magsasaka ay nagpapasalamat kay San Isidro Labrador para sa magandang ani sa pamamagitan ng pagdedekorasyon ng kanilang tahanan na gawa sa matitingkad na makulay na kakanin na tinatawag na kiping.
4. ANG OBANDO FERTILITY RITES - idinaraos ito mula Mayo 17 hanggang 19 sa Obando, Bulacan. Maraming bilang ng mga lalaki at kababaihan ay sumasayaw sa harap ng simbahan, may kasamang panalangin para sa asawa o anak. Ito ang pilgrims dance kay San Pascual Baylon, Santa Clara de Assisi o sa Virgen de Salambao para sa kanilang kahilingan.
Ang buwan ng Mayo ay buwan ni Birheng Maria. Halos buong buwan ng Mayo idinaraos ang Flores de Mayo. Sa buong buwan na ito, sa mga probinsiya lahat ng kadalagahan ay naghahandog ng bulaklak sa mga simbahan. Dito ay magsusuot sila ng magagandang gown, paparada habang nasa ilalim ng arko ng mga bulaklak at kandila.
Pero sa mga siyudad, ang Flores de Mayo ay nagiging isang fashion show, ipasusuot ng mga designer ang kanilang mga nilikhang gown sa mga napili nilang naggagandahang dalaga para maka-attract ng atensiyon.
Ang buwan ng paghahandog ng bulaklak ay tinatawag na Santacruzan, isang araw na selebrasyon kung saan ang isang aaktong empress na si Elena ay naghahanap ng Banal na Krus.
Ang santacruzan ay parada ng karakter mula sa Bibliya at iba pang allegorical figures.
Ang tradisyoal na prusisyon ay itinatampok din ang kanyang anak, si Constantine the Great. Ang mga adorasyong santo tulad ni Birheng Maria ay pinaparada na may hawak na kawayan na may kasamang mga barya at tinapay, kendi at prutas.
Ang Pahiyas (overleaf) naman, ang mayamang klase ng offering tuwing Mayo sa probinsiya ng Lucban sa Quezon Province ay tinatampukan ng napakaraming kulay at binabalutan ang buong kabahayaan ng sari-saring mga bulaklak.
Bagamat ang salitang fiesta ay Espanyol, nagkaroon ng sariling presentasyon ang Filipino. Lahat ng tao ay lumalahok sa naturang selebrasyon, isang taon halos nila itong inihahanda bago ang kapiyestahan, maging ang lahat ng dekorasyon, costumes at kaganapan ay parehong magastos at maluho.
Tulad ng Pahiyas, halos lahat ng fiesta sa Pilipinas ay may pinag-ugatan kahit wala pa ang mga Kastilang mananakop sa bansa.
Ang diyos na Bathala ang lumikha ng lupa at dagat at sa labis na paniniwala ng mga tao rito ay marami siyang nagawang kabutihan at himala.
Ang lupaing pinapalibutan ng dagat ay hinahalihan umano ng maraming espiritu. Kaya nang dumating umano ang mga Espanyol ay nagpakilala ito ng bagong Diyos at bagong espiritu na paniniwalaan at pararangalan.
Isa namang pangunahing piyesta ay ang fertility at paghahalaman, pag-aani at pagsamba na ginagawa sa pamamagitan ng pagsasayaw sa harap ng imahe ni San Pascual at Santa Clara para hingin ang biyaya na magkaroon ng anak at magpasalamat sa masaganang ani.
Ang lahat ng 'yan ay bawal pang maidaos habang may COVID-19, kaya magbalik-tanaw na lang tao sa video o kaya sa mga palabas na replay sa youtube o iba pang social media. Stay safe.