top of page
Search

by Info @Brand Zone | August 30, 2024



SM Grannies Day

Grannies can definitely still party, and SM Supermalls is making sure Grannies Day is something you and your beloved grandparents will enjoy. Bring your Lolos and Lolas, Inays and Itays, Mamas and Papas to celebrate Grannies Day with SM!


From September 1 to 8, 2024, SM Supermalls around the country will be hosting a variety of fun activities and events for our dear grandparents, and their apos, too!


Looking for something special, local, or handmade to surprise your Grannies with? Visit GRANNY’S BAZAAR at your fave SM malls and support Grannie MSMEs by patronizing their heirloom recipes and produce!


SM Grannies Day

Do you have a groovy Grannie that loves to sing and dance to classic hits? They’ll surely have a blast at SM’s GROOVY GRANNIES event! Dancing Grannies can showcase their best moves at the G! GRANNY! ballroom and disco weekend, while Grannies who can belt and croon will enjoy singing to their favorite songs with GRANNY’S VIBE. Bonus points because apo can duet with them too!




Make Grannies Day a family affair—the bigger the family, the bigger your chance of winning GRANNY’S APO! Grannies who show up with the most grandchildren can win as much as P20,000 SM shopping money, perfect for the Grannies who show their love by giving gifts to their precious grandkids.


Photo

Walk, walk, fashion, Grannie! Celebrate your most stylish Grannies by twinning with them! Show off GRANNY TWINNING OOTDs with their grandchildren during Grannies Day weekend for a chance to win special prizes and be featured across SM Supermalls’ platforms. Don’t forget to take a GRANNY SNAPSHOT at the dedicated photo booth!



And of course, we can’t forget to thank God for the gift of our grandparents! A special GRAND THANKSGIVING Mass will be held for Grannies as they celebrate Grannies Day at their nearest SM mall.


Grandmother praying

Finally, make your Grannies Day experience at SM last forever by posting photos, videos and more on your social media accounts and use the hashtag #HappyGranniesDayAtSM!


Celebrate our Grannies and make each moment with them count at SM Supermalls! For more information and to stay updated, visit www.smsupermalls.com or follow SM Supermalls on Facebook.

 
 

ni Mabel Vieron @Lifestyle | June 16, 2024



File photo


Tatay, itay, ama, daddy, papi – saan man dako ng mundo, may iba't ibang paraan ng pagtawag sa ating mga ama. 


Sa bawat yugto ng buhay, ang mga tatay ay patuloy na nagsisilbing haligi ng ating pamilya – ang kanilang katatagan at pagmamahal ang nagbibigay inspirasyon para sa atin. Ang kanilang sakripisyo at pag-aalaga ay nagpapakita ng ‘di mabilang na pagmamahal at dedikasyon.


Tuwing sasapit ang Father's Day, mariin nating pinararangalan ang mga bayaning lalaki na nagiging tanglaw at gabay ng ating pamilya. 


Sila ang mga tagapagtanggol ng tahanan, handang humarap sa anumang hamon at magbigay ng wagas na pagmamahal sa bawat yugto ng buhay.


Sila ang nagturo sa atin ng kahalagahan ng pagmamahal, katuwiran, at pagiging matatag sa gitna ng mga pagsubok. Hindi lamang sila mga guro, kundi modelo rin ng kagitingan at kabutihan.


Ang mga tatay ay nagiging tagapakinig, tagasuporta, at tagapayo sa bawat miyembro ng pamilya. 


Ang kanilang mga payak na gawa ng pagmamahal tulad ng pagtulong, pagpapayo, at simpleng pagpaparamdam ng pagmamahal ay nagpapatibay sa samahan ng pamilya.


Hindi sapat ang mga salita upang ilarawan ang kahalagahan at kabutihan ng mga tatay sa ating mga buhay. 


Sa kanilang mga simpleng ngiti, yakap, at pagmamahal, sila ay patuloy na nagpaparamdam sa atin ng kaginhawaan at kaligayahan.


Ngayong Father’s Day, ating ipakita ang ating pasasalamat at pagmamahal sa mga lalaking ito na patuloy na nag-aalaga at nagmamahal sa atin. 


Sila ang mga tunay na tagapagtanggol ng pamilya na hindi nag-aatubiling ibigay ang lahat para sa ating kaligayahan at kaligtasan.


Ngayong araw nila, tunay na karapat-dapat nilang tanggapin ang pinakamataas na pagpapahalaga at pagkilala mula sa kanilang mga anak. 


Sa bawat pagkakataon, dapat nating ipakita ang ating pasasalamat at pagmamahal sa kanilang walang-sawang pag-aalaga at sakripisyo.


To all the fathers out there, thank you. Thank you for your sacrifices, guidance, and unconditional love. Kayo ang mga tunay na bayani ng aming buhay. Happy Father's Day!

 
 
  • BULGAR
  • Apr 22, 2024

ni Josiah Seff J. Bacani @Special Article?! | April 22, 2024



Sa PISA 2022 ranking, ang Pilipinas ang isa sa mga bansa na may pinakamababang literacy at numeracy skills sa buong mundo at kitang-kita iyan dahil sa mga estudyanteng napag-iwanan na sa matematika at lalo na ang mga estudyanteng hindi marunong magbasa.


Kaya naging usapin ngayon sa joint session ng Senado at Kongreso ang Resolution House Bill No. 6 na naglalayon ng full foreign ownership sa edukasyon na sya namang binatikos ng ilan, ngunit hindi natin maitatanggi na sa kalagayan ng sistema ng edukasyon ng bansa ay kailangan ng progresibong pagkilos na magpapataas sa kalidad ng edukasyon.


Ikinakabahala ng ilan na ang aksyong ito ay magdudulot ng kawalan ng nasyonalismo, pagpapahalaga at kultura, ngunit ang mga ito ay mas lalong mapagtitibay sa pamamagitan ng dekalidad na edukasyon.


Dahil sa dumaraming bilang ng mga estudyante,  hindi na nakakayanan ng mga pampublikong paaralan ang demand, kaya nagsisiksikan ang 45 o higit pang mga estudyante sa isang klasrum na napakainit, walang maayos o sapat na silya at kakulangan sa mga learning materials na nakapagpapababa ng moral ng mga estudyante na nagiging hadlang sa maayos na pagkatuto ng mga mag-aaral. 


Ang pagpasok ng mga foreign owned schools ay makakatulong upang masolusyonan ang dekada ng suliranin na ito sa sektor ng edukasyon.


Dagdag pa, ang matagal nang hinaing ng mga guro ay ang mababang suweldo kumpara sa mga kapitbahay nating bansa tulad na lamang ng bansang Indonesia na ang basic salary ng isang guro ay P50k, habang dito sa Pilipinas ay P27K lamang. Ang isyung ito ay mareresolba ng foreign ownership sa edukasyon dahil ang mga bagong paaralan na ito ay may mas malalaking pondo kumpara sa mga pampublikong paaralan.


Ang foreign ownership sa ating edukasyon ay magbubukas ng maraming oportunidad sa ating mga kabataan, maiaangat nito ang kalidad ng edukasyon at tutulong sa pag-angat ng ekonomiya ng bansa.


Nararapat nating bigyan ang mga magulang at estudyante ng karapatan na pumili ng paaralan na magbibigay ng kalidad na edukasyon at tutulong sa kanila na magkaroon ng magandang kinabukasan at ito ay mag-reresulta sa isang bansa na mayroong mga mamamayan na may sapat na kasanayan at talino na kailangan upang makasabay sa mabilis na pagbabago ng ating mundo.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page