top of page
Search

ni Jenny Rose Albason @News | October 9, 2023




Magbabalik ang Libreng Sakay para sa EDSA Bus Carousel at mga jeepney ngayong Nobyembre hanggang sa katapusan ng taon.


Ayon kay LTFRB Chair Teofilo Guadiz III, inaprubahan na ang joint circular para sa pagpapalabas ng P1.3 bilyong pondo para sa service contracting program.


At kung dati aniya ay sa mga bus sa EDSA Carousel lamang ang "Libreng Sakay", ngayon ay kasama na ang mga jeepney. “Ang hinahabol namin ngayong November [at] December, yun po ang maagang pamaskong handog ng LTFRB,” ani Guadiz.



 
 

ni Mai Ancheta @News | September 16, 2023




Libre sa pamasahe sa Metro Rail Transit (MRT)-3 ang mga kawani ng gobyerno sa loob ng tatlong araw simula September 18-20.


Ito ang inianunsiyo ng MRT-3 bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng ika-123 anibersaryo ng Philippine Civil Service.


Ayon kay Department of Transportation (DOTr) Assistant Secretary for Railways Officer-in-Charge Jorjette Aquino, kailangan lamang magpakita ng valid na government identification upang magkaroon ng libreng sakay.


Magagamit ang libreng sakay sa buong operating hours ng MRT-3 at sa lahat ng istasyon patungo sa destinasyon ng mga kawani ng gobyerno.




 
 

ni Mai Ancheta | June 24, 2023




Libre sa pamasahe ang lahat ng seaman sa Light Rail Transit 2 at Metro Rail Transit 3 sa June 25, 2023 bilang pagkilala sa Day of the Filipino Seafarers.


Batay sa anunsiyo ng Light Rail Transit Authority, may libreng sakay ang LRT 2 mula alas-7 ng umaga hanggang alas-9 ng umaga, at alas-5 ng hapon hanggang alas-7 ng gabi.


Ang libreng sakay naman sa MRT 3 ay mula alas-5:30 ng madaling-araw hanggang sa last trip sa ng gabi. Hanggang alas-9:30 ng gabi ang operasyon ng North Avenue station ng MRT 3 habang ang operasyon ng Taft Avenue ay hanggang alas-10 ng gabi.


Ang Day of the Filipino Seafarer ay taunang ipinagdiriwang ng bansa bilang pagkilala sa mga masisipag at masigasig na Pinoy seamen at sa kontribusyon ng mga ito sa maritime industry.


Kinikilala rin ang mga Filipino seafarer dahil sa malaking kontribusyon sa ekonomiya ng bansa sa pamamagitan ng kanilang dollar remittances.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page