ni Jasmin Joy Evangelista | March 21, 2022
Niyanig ng magnitude 5.3 na lindol ang Burauen, Leyte nitong Lunes ng madaling ataw, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).
Ang naturang lindol na tectonic in origin ay naganap bandang 12:39 a.m.
Ang epicenter nito ay tumama 10.93°N, 124.81°E - 010 km S 58° W sa bayan ng Burauen. May lalim itong apat na kilometro.
Naramdaman ang Intensity V sa Burauen, Ormoc City, Kananga, La Paz, Julita, at Pastrana in Leyte.
Ang Intensity IV naman ay naramdaman sa Dulag, Santa Fe, Barugo, Abuyog, Palo, Tolosa, Capoocan at Baybay City sa Leyte; at Tacloban City habang Intensity III naman sa Cebu City at Talisay City sa Cebu; Lawaan, Eastern Samar; Leyte, Leyte; at Biliran, Biliran.
Intensity II naman ang naramdaman sa Borongan City at Taft sa Eastern Samar; at Naval, Biliran.
Wala namang naganap na pinsala sa naturang lindol ngunit asahan ang posibleng aftershocks, ayon sa PHIVOLCS.