ni Jasmin Joy Evangelista | October 4, 2021
Ipinaalam daw ng senatorial candidate na si Samira Gutoc sa dating kaalyadong si VP Leni na siya ay lilipat ng partido.
Si Gutoc ay opisyal nang naghain ng certificate of candidacy sa ilalim ng partidong Aksyon Demokratiko.
Aniya, pinadalhan niya ng sulat si Robredo upang ipaalam ang paglipat sa partido ni Manila Mayor Isko Moreno.
“I wrote to VP Leni if I could meet her at least maybe get a guidance on political, but I respected her, siya po ay talagang manager ng operations kasi ka-partner niya ako sa Ako Bakwit so more deeply kami magkapatid or inaanak sa humanitarian operations so huwag naman sana masamain ng publiko na nagtraydor si Sam, no,” ani Gutoc.
Hindi rin umano siya pinigilan ng pangalawang pangulo sa kanyang desisyon.
“VP Leni understood, she didn’t dissuade me. I reached out na ito po yung offer ng Aksyon Demokratiko. Hindi naman po ako dinissuade ni Ma’am VP,” aniya.
Nawa raw ay hindi sumama ang loob sa kanya ng dati na niyang supporters.
“I’m the same woman who fights and who fought for you na talagang pinanggalingan ay giyera and I will continue to speak about kahirapan at kagutuman,” paliwanag ni Gutoc.
Dagdag pa ni Gutoc, ipinagdadasal niya si Robredo sa pagdedesisyon nito kung tatakbo o hindi sa pagkapangulo.