ni Jasmin Joy Evangelista | September 5, 2021
Ngayong araw matatapos ang mandatory 14-day quarantine ni VP Leni Roberedo matapos magka-close contact sa isa sa kanyang mga staff na nag-positibo sa COVID-19.
Matatandaang inanunsiyo niya na siya ay sasailalim sa quarantine noong Agosto 25 kahit nag-negatibo sa virus.
"Ang protocol kasi, kahit negative ka na kailangan tapusin ang 14-day quarantine so 14th [day] ko na ngayon" saad ni VP Leni sa kanyang weekly radio program.
"Bukas [Monday] regular schedule na ako. Regular na ako kasi nasa opisina na ako", dagdag niya.
Pinaalalahanan din niya ang kanyang mga staff na iwasan na ang pagkain nang sabay-sabay upang maiwasan ang hawahan.
"Kapag kumakain nang sabay-sabay doon nagkakahawaan kasi tinanggal mo 'yung mask", pahayag ni Robredo.