ni Eli San Miguel @News | Oct. 17, 2024
Photo: Si Pangulong Bongbong Marcos at FVP Leni Robredo sa Sorsogon - MPC Pool
Nagkita at nagkamayan sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at dating Bise Presidente Leni Robredo, na magkaribal sa halalan noong 2022, sa inagurasyon ng Sorsogon Sports Arena ngayong Huwebes.
Nagkrus ang kanilang landas sa entrada bago tumuloy ang Pangulo sa seremonya. Sa isang maikling video, makikitang binati ni Marcos si dating Senador Bam Aquino at pagkatapos ay si Robredo.
Ayon kay Senate President Francis Escudero, inimbitahan sina Robredo at Aquino upang salubungin ang Pangulo bilang kinatawan ng Bicol.
Si Robredo ay tatakbo bilang alkalde ng Lungsod ng Naga sa 2025, habang si Aquino ay muling tatakbo para sa Senado sa 2025 midterm elections. Sa kanyang talumpati, muling iginiit ni Marcos ang kanyang panawagan para sa pagkakaisa, na siya ring tema ng kanyang kampanya noong 2022.