top of page
Search

PhotoFilFini Angela Fernando - Trainee @News | November 13, 2023




Pinayagang magpiyansa ng korte ng Muntinlupa mula sa mga nakabinbin na kaso sa droga ang dating Senadora Leila De Lima ngayong araw.


Kinumpirma ni Atty. Boni Tacarardon, lawyer ng dating senadora, na inaprubahan ng Muntinlupa Regional Trial Court (RTC) Branch 206 ang hiling ni De Lima na aralin ang kanyang pakiusap na piyansa.


Aniya, "motion granted" ang naging resulta ng pagdinig.


Nakulong si De Lima sa Camp Crame na umabot ng halos 7 taon dahil sa mga akusasyon kaugnay ng droga.


Matatandaang bago ang pag-aresto sa dating senadora, siya'y nanguna sa pag-iimbestiga ng nangyayaring pagpatay ng Davao Death Squad (DDS) na nasa pangangalaga ni Rodrigo Roa Duterte bilang dating mayor ng lungsod.



 
 

Filni Angela Fernando - Trainee @News | November 3, 2023




Nanawagan sa mga awtoridad ng Pilipinas ang Inter-Parliamentary Union (IPU) ng pagbawi sa kaso ng droga at palayain nang tuluyan ang dating senador na si Leila de Lima.


Kamakailan, inaprubahan ng IPU ang mungkahi na palayain na si De Lima mula sa kustodiya ng Camp Crame.


Mahigit na anim na taon nang nasa kanilang kustodiya ang dating senador mula nu'ng 2017.


Naglapag ng panibagong panawagan ang Konseho na iurong ang natitirang kaso laban sa dating senator at hinahamon ang mga awtoridad sa agarang pagkilos.


Matatandaang may tatlong kaso si De Lima at dalawa sa mga ito ay naibasura na habang ang isa ay patuloy na nakabinbin.


Humaharap ito sa mga kasong may kaugnayan sa droga na isinampa ng Department of Justice (DOJ) sa ilalim ng nagdaang administrasyon.


 
 

ni Mai Ancheta @News | July 29, 2023




Ibinasura ng Muntinlupa Regional Trial Court (RTC) ang mosyon ng prosecution na baligtarin ang desisyong pag-abswelto kay dating Senador Leila de Lima sa ikalawang kaso nito sa ilegal na droga.


Ayon sa Muntinlupa RTC Branch 204, kulang sa merito ang mosyon ng prosecution na humihiling na baligtarin ang desisyon sa ikalawang drug case ng dating senadora na dinesisyunan noong May 2023.


Ayon kay Presiding Judge Abraham Joseph Alcantara, bawat acquittal o pagka-abswelto ay nagiging pinal pagkatapos ng promulgasyon at hindi maaaring bawiin para amyendahan.


Binigyang diin ng hukom na kapag pinagbigyan ang motion for reconsideration ang mosyon ng estado ay malalabag ang Constitutional prohibition sa jeopardy.


Matatandaang naabswelto rin si De Lima sa unang kaso nito sa droga at isa na lamang ang natitirang kaso nito na dinidinig sa korte.


Ang natitirang drug case ng dating senadora ay may nakatakdang hearing sa August 1, 2023 sa ilalim ng bagong hukom matapos mag-inhibit ang dating judge na humawak sa kaso.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page