ni Ronalyn Seminiano Reonico | November 20, 2020
Pinagpapaliwanag ni Sen. Francis Pangilinan ang Department of Education (DepEd) kaugnay ng kontrobersiyal na learning modules kung saan makikita ang “poor depiction” sa drawing na tagpi-tagpi ang suot na damit ng pamilya ng magsasaka.
Saad ni Pangilinan, "We understand that a vast majority of our farmers are poor but to stereotype them, ano ang magiging mensahe sa ating mga kabataan? Na hindi katanggap-tanggap ang maging magsasaka?
"We don't want to teach our children to look down upon farmers. 'Pag nakita ng estudyante ito, sasabihin ‘Hindi maganda ang maging magsasaka kaya ayoko na ring maging farmer.’"
Saad naman ni Sen. Pia Cayetano, "Everyone can agree that this is a wrongful and harmful depiction of our farmers who feed us.” Binasa rin ni Cayetano ang mensahe mula kay Education Secretary Leonor Briones tungkol sa naturang pagsasalarawan sa magsasaka. Aniya, "DepEd has a zero tolerance policy against discrimination.
"The material is already out but they will issue an explanation that this is a wrongful depiction.” Iniimbestigahan na rin umano ng DepEd ang naturang insidente at ayon kay Cayetano, “Sanctions will be imposed.”