Inalis na ang pag-iral ng liquor ban sa Lungsod ng Muntinlupa.
Gayunman, may mga inilatag na alituntunin sa kung sino lamang ang puwedeng bumili ng alak at kung sino ang bawal.
Nakasaad sa ordinansa na ang mga indibidwal na tumanggap ng tulong-pinansiyal mula sa national o local government ay hindi puwedeng bumili ng alak habang umiiral ang GCQ o MGCQ.
Ito ay para masiguro na ang tulong ng gobyerno ay hindi magagamit sa pagbili ng alak.
Kung benipisyaryo ng national o local government cash assistance at mahuhuling bumili ng alak ay disqualified na sa susunod na mga ayuda.
Ang mga establisimyento na nagtitinda ng alcohol ay dapat umanong mayroong record ng pangalan ng buyer, eksaktong address, contact details, petsa at oras ng pagbili.