Pinayagan na ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases ang religious mass gatherings pero hanggang 50 percent capacity lamang para sa mga lugar na nasa ilalim ng modified general community quarantine (MGCQ).
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na dapat ipatupad pa rin ang minimum health standards kabilang ang physical distancing at pagsusuot ng face masks.
Matatandaang lahat ng lugar sa ilalim ng bansa ay nasa MGCQ na maliban na lamang ang Metro Manila, Pangasinan, Cagayan Valley, Central Luzon, Central Visayas, Davao City at Zamboanga City na nasa ilalim ng general community quarantine.