kinumpirma ni BOC Spokesperson at Assistant Commissioner Vincent Maronilla na 41 empleyado ng Bureau of Customs ang nagpositibo sa covid-19.
Ani Maronilla, ang rapid test sa mga ito ay sinimulan noong Mayo at nagpapatuloy pa rin hanggang ngayon.
Ang mga nagpositibo sa rapid test ay isinailalim naman sa RT PCR Test upang makumpirma kung positibo talaga sa covid-19.
Ang 41 na nagpositibo sa virus ay pawang asymptomatic o walang sintomas ng virus.
Naka-isolate na aniya ang mga nasabing empleyado at sumasailalim sa quarantine period.
Agad din naman aniyang nagsagawa ng contact tracing ang BOC sa nagkaroon ng close contact sa mga nagpositibo sa covid-19.
Sinabi ni Maronilla na isang empleyado naman ng BOC na ang nasawi dahil sa covid noong Marso.