Nagsisimula na umanong maging abnormal ang mga aktibidad sa Bulkang Kanlaon na nasa pagitan ng Negros Oriental at Negros Occidental.
Dahil dito, itinaas ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang Alert Level 1 na ang ibig sabihin ay may pagtaas sa antas ng seismic activity o unrest sa Bulkang Kanlaon.
Noong Martes, nakapagtala ang Phivolcs ng 80 volcanic earthquakes. Sa nasabing bilang, 77 ang may kasamang tinatawag na magmatic fluids sa ibabaw sa bulkan.
Ang pagtaas ng mga aktibidad sa Kanlaon Volcano ay posibleng sinundan ng pagbuga nito ng abo o phreatic eruptions sa crater bagama’t, hindi masyadong nakikita.
Sa ilalim ng Alert Level 1, paiiralin ang 4-kilometer Permanent Danger Zone sa paligid ng Kanlaon.
Pinag-iingat din ang mga eroplano at iba pang sasakyang panghimpapawid na dumaan malapit sa bunganga nito.