Kinumpirma ng Rockwell Land Corporation na dalawang residente ng isang condominium sa Makati City ang nagpositibo sa COVID-19.
Ayon sa kumpanya, residente ng Joya North Tower sa Rockwell Center ang nasabing mga pasyente.
Kaugnay nito, isa sa mga pasyente ay nasa pangangalaga na ng ospital habang ang dalawang kaanak nito ay napasailalim sa self-quarantine.
Samantala, kinumpirma rin ng Las Piñas City Local Government Unit na naitala ang unang kaso na nagpositibo ng COVID-19. Ayon sa Las Piñas Public Information Office, walang history of travel abroad ang 53-anyos na lalaki na ngayo’y nakaratay sa Las Piñas General Hospital and Trauma Center.