Photo: Abs-cbn News (right)
Patay ang isang guro habang 13 iba pa ang sugatan nang mahulog ang sinasakyan nilang van sa kanal sa Star Tollway sa Ibaan, Batangas.
Kabilang sa mga nasugatan ang drayber, 5 estudyante at 7 guro, na galing sa National Schools Press Conference sa Tuguegarao, Cagayan. Patay naman ang kasamahan nilang guro na si Joy Maming.
Pauwi na ng Occidental Mindoro ang mga sakay ng van nang mahulog ang sasakyan. Ayon kay Adelardo Malalauan, nagdesisyon umano silang umuwi agad kahit hindi pa tapos ang programa dahil sa takot na maipit sa pagpapatupad ng community quarantine.
“We decided na umuwi na kahapon kasi nga dahil nga balita namin na nagla-lockdown na ang Manila at Batangas,” ani Malalauan. Ayon naman sa drayber ng van na si Mark Herwhin Tugade, bago pa lamang niyang pinalitan ang karelyebong drayber pero, hindi na nito kinaya ang pagod sa haba ng biyahe kaya siya umano ay nakatulog.
“Hindi na kinaya, antok. Maaga lang kami baka mag-lockdown hindi kami makauwi ng Mindoro,” ani Tugade.