Pinayagan nang magbiyahe simula ngayong araw ang mga pampasaherong traysikel sa Quezon City makalipas ang dalawang buwan na ipinagbawal ang operasyon dahil sa enhanced community quarantine.
Alinsunod sa ipinalabas na mga panuntunan ng modified enhanced community quarantine ng Quezon City government, ang mga traysikel lamang ang papayagan na makabiyahe.
Kinakailangang sumunod ang mga drayber at opereytor sa itinakdang mga regulasyon sa pagbiyahe ng traysikel.
Isang pasahero at isang drayber ng traysikel lang ang pinapayagan.
Bawal ang angkas.
Dapat ay mayroong transparent na barrier o harang sa pagitan ng motorsiklo at sidecar.
Dapat ay nakausot ng facemask, gloves at iba pang gamit sa pag-iingat ang drayber.
Regular ang paglilinis o pag-disinfect sa tricycle unit.
Hinihikayat din ang mga tricycle driver na sumailalim sa COVID-19 test.
Samantala, kinukonsidera ng lokal na pamahalaan na magbago ng fare matrix sa mga traysikel sa panahon ng MECQ.