top of page
Search

ni Lolet Abania | June 15, 2021




Arestado sa ikinasang operasyon ng mga operatiba ng Las Piñas City Police ang isa sa most wanted persons sa lungsod ngayong Martes.


Sa inisyal na report, kinilala ang suspek na si John Loyd Salazar, na nadakip dahil sangkot umano sa ilegal na droga. Nakuha ng mga awtoridad sa suspek ang isang granada.


Nakampante naman ang pulisya dahil hindi nanlaban ang suspek sa ginawa nilang operasyon at hindi rin nito ginamit ang granada.


Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act at Illegal Possession of Explosives.


 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | April 21, 2021




Tatlong suspek na nag-iisyu ng mga pekeng COVID-19 test results ang hinuli sa Las Piñas City, ayon sa pahayag ng Southern Police District ngayong araw, Abril 21.


Batay sa ulat, nagsagawa ang mga awtoridad ng entrapment operation nitong Martes sa isang medical clinic sa Alabang Zapote Road, Barangay Talon Dos kung saan nahuli ang mga gumagawa ng pekeng test results na sina Frederick Jude, Janice Dasco at Gabriela Dimaano.


Nakumpiska sa kanila ang dalawang RT-PCR test results, 4 rapid test results, certificate of registration, DTI business name registration, business license at Mayor’s permit. Nakita rin sa klinik ang mga nakarolyong aluminum foil, ilang piraso ng improvised glass tooter at mga bakas ng shabu residue.


Kaagad dinala ang mga narekober na kagamitan sa Station Drug Enforcement Unit office upang i-dispose.


Sa ngayon ay kakaharapin nila ang kasong falsification of public documents at violation of illegal possession of drug paraphernalia.

 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | April 5, 2021




Dalawang magkahiwalay na sunog ang tumupok sa residential area sa North Fairview, Quezon City at Pamplona Uno, Las Piñas City kaninang madaling-araw, Abril 5.


Ayon sa ulat, alas-dos nang madaling-araw nang magsimula ang apoy sa Barangay North Fairview, kung saan 18 bahay at 36 pamilya ang naapektuhan ng sunog na umabot sa ikalawang alarma.


Ayon kay Bureau of Fire Protection Chief Inspector Joseph del Mundo, nahirapan ang mga bumbero na apulahin ang apoy dahil sa makitid na daan kaya kinailangan nilang dumaan sa bubong. Aniya, electrical problem ang itinuturong pinagmulan ng sunog.


Samantala, mahigit P100,000 ang halaga ng mga napinsala.


Kaugnay nito, itinaas naman sa unang alarma ang sunog sa Las Piñas City kaninang 1:30 nang madaling-araw na nagsimula sa isang junkshop sa Burgos Street Barangay Pamplona Uno at idineklarang fire under control pasado 3:02 AM na umabot sa ikatlong alarma.


Ayon pa sa caretaker ng junkshop na si Ricardo Flores, natutulog siya’t ginising lamang ng anak nang maramdaman nitong nasusunog na ang unang palapag ng kanilang junkshop kung nasaan ang mga plastic bottles at iba pang kalakal na naging dahilan upang mabilis na kumalat ang apoy sa kalapit na apartment.


Tinatayang P100,000 ang halaga ng mga napinsala at halos 3 pamilya ang naapektuhan ng sunog.


Sa ngayon ay kasalukuyang nasa covered court ang mga nawalan ng tirahan.


Wala namang iniulat na namatay o nasugatan sa insidente.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page