ni Ronalyn Seminiano Reonico | May 11, 2021
Patay ang 7 katao at isa ang nawawala dahil sa landslide sa Indonesian gold mine ngayong Martes, ayon sa awtoridad.
Dahil sa walang tigil na pag-ulan, gumuho ang lupa sa South Solok regency, West Sumatra na may kasamang putik at mga bato, ayon kay Local Emergency Department Head Fikri.
Aniya, nasagip ang 9 na katao na kaagad isinugod sa ospital at patuloy na nagsasagawa ng search and rescue operation sa isang miner na nawawala.
Pahayag pa ni Fikri, “Initially, rescuers were having difficulties to evacuate victims to a rescue vehicle because the terrain at the site was challenging.”
Samantala, madalas nakararanas ang Indonesia ng matinding landslides at flash floods tuwing tag-ulan dahil sa deforestation, ayon sa mga environmentalists.