ni Lolet Abania | June 8, 2022
Inaprubahan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ngayong Miyerkules ang P1 provisional increase na pamasahe sa mga public utility jeepneys.
Ayon sa LTFRB, sakop ng taas-pasahe sa mga jeep na bumibiyahe sa Metro Manila, Region 3 at Region 4. Ito ay kasunod ng mga petisyon ng iba’t ibang transport organizations sa gitna ng walang prenong pagtataas ng presyo ng petrolyo.
Dahil dito, magiging P10 na ang minimum fare sa mga jeepney, kung saan epektibo ito bukas.