top of page
Search

ni Mylene Alfonso @News | July 17, 2023




Itinalaga si Vigor Mendoza II, bilang bagong pinuno ng Land Transportation Office (LTO).


Ito ang inanunsyo kahapon ng Presidential Communications Office (PCO).


Pinalitan ni Mendoza si dating LTO chief Jay Art Tugade, na nagbitiw noong Mayo dahil sa “differing methods” sa Department of Transportation.


Si Mendoza ay dating kinatawan ng 1-United Transport Alliance Koalisyon (1-UTAK) Partylist.


Nabatid na nagtapos sa Ateneo de Manila University, si Mendoza at naging board member ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).


 
 

ni Mai Ancheta @News | July 14, 2023




Sisimulan na ng Land Transportation Office (LTO) ang pag-iisyu ng electronic driver's license matapos ipalabas ang implementing guidelines para sa digitalization ng ahensya.


Batay sa inilabas na LTO Memorandum Circular No. HAV-2023-2410, lahat ng may valid driver's license ay mabibigyan ng access sa eDL module.


Ayon kay LTO Officer-in-Charge Assistant Secretary Hector Villacorta, ang eDL ay isang valid, ligtas at alternatibong pagkakilanlan ng indibidwal na gumagamit ng sasakyan.


Ang mga motoristang magkakaroon ng eDL ay makakagamit din ng kaparehong pribilehiyo ng mayroong physical driver's licence.


Inaatasan ng LTO ang lahat ng deputized agents na kilalanin ang eDL bilang valid na lisensya para makagamit ng motor vehicle.


Kapag nasita, kailangan lamang ipakita ang eDL sa Land Transportation Management System (LTMS) online portal account, at ang mga hindi makapagpakita ng kaniilang eDL ay ikukonsiderang lumabag sa kabiguang magdala ng lisensya.


Ang mga mahuhuling motorista ay maiisyuhan pa rin ng Temporary Operator's Permit (TOP) 0 Electronic Temporary Operator's Permit (eTOP) at dapat na maasikaso ito sa loob ng 72 oras.


Kapag mayroong hindi nabayarang violation ang eDL holder, masususpinde ang LTMS account nito at hindi papayagan ng LTO na gamitin ang screen shot o larawan ng kanyang eDL.


 
 

ni Mai Ancheta | June 10, 2023




Upang maiwasang mabiktima ng mga fixer, pinag-aaralan ng Land Transportation Office (LTO) na alisin na ang online comprehensive examination para sa mga magre-renew ng lisensya.


Ayon kay LTO officer-in-charge Hector Villacorta, hindi niya makuha ang lohika kung bakit kinakailangan pang mag-exam kapag magre-renew ng lisensya.


Hindi naman aniya nababawasan ang kaalamam sa pagmamaneho para muling mag-exam.


Ang sistemang online comprehensive examination aniya ay nagiging bentahe para sa mga fixer dahil maraming mga driver lalo na ang nasa public transport ang hindi gaanong marunong gumamit ng computer at inaalok ng hanggang P2,000 para ang mga fixer na ang sumagot at umayos sa kanilang online examination.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page