top of page
Search

ni Mai Ancheta @News | October 3, 2023




Inilarga ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang kanilang sticker campaign sa mga pampublikong sasakyan laban sa pambabastos o sexual harassment sa mga pasahero.


Nagdikit ng stickers ang ahensya sa mga bus sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) nitong Lunes bilang paalala sa mga driver, conductor at operators kung ano ang dapat gawin kapag nakaranas ng pambabastos ang kanilang mga pasahero.


Nakalagay sa sticker ang contact numbers at hotline numbers na dapat tawagan kapag mayroong nabastos na mga pasahero.


Ayon sa LTFRB, mayroong katapat na multa at parusa ang mga lalabag sa "Bawal Bastos " Law o Safe Spaces Act.


Sinabi ni LTFRB Technical Division Chief Joel Bolano na kapag ang drayber o konduktor ang nambastos, may katapat itong multa na P5,000 at anim na buwang suspension sa prangkisa ng sasakyan.



 
 

ni Jeff Tumbado | June 3, 2023




Ipinauubaya ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga magpaparehistro ng pampublikong sasakyan kung anong insurance provider ang nais nitong tangkilikin.


Ayon kay LTFRB Chairman Teofilo Guadiz III, mahigpit na susundin ng ahensya ang mga alituntunin ng Department of Transportation (DOTr) Department Order (DO) 2018-020, o ang "Revised Guidelines on Mandatory Insurance Policies for Motor Vehicles and

Personal Passenger Accident Insurance (PPAI) for Public Utility Vehicles".


Tinukoy ni Guadiz ang nasasaad sa Section 3 ng DO 2018-020 na ang mga aplikante ay malayang makapipili at kumuha ng Insurance Policies mula sa ano mang kuwalipikadong insurer at ang lahat ng insurance premium ay istriktong babayaran sa mga opisina o authorized collection sites ng qualified insurers.


“The instruction is to only accept PPAI policy from insurance providers duly accredited by the Insurance Commission. As regards Third-Party Liability (TPL) insurance policy, operators are free to choose and secure the same from any insurance company accredited by the Insurance Commission,” paliwanag ni Guadiz.


Pinabulaanan din ni Guadiz ang napaulat na umano'y plano ng LTFRB na magdagdag ng insurance provider na pagpipilian ng mga aplikante ng pampublikong sasakyan.


Tanging ang Insurance Commission lamang at hindi ang LTFRB ang may hurisdiksyon na mag-accredit ng mga bagong kumpanya ng insurance na maaaring pagpilian ng mga aplikante


 
 

ni Jeff Tumbado | May 9, 2023




Ganap nang inilipat ang mga kaukulang tungkulin, ari-arian, at dokumento ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa BARMM Land Transportation Franchising and Regulatory Board (BLTFRB) mula sa LTFRB Regional Franchising and Regulatory Office (RFRO) XII.


Sa isang pagdiriwang na idinaos sa LTFRB Central Office, pinangunahan ni LTFRB Chairman Teofilo Guadiz III ang turn-over o ang pagsalin ng digital copy ng mga franchise document o dokumento ng mga rutang nasasakupan ng BARMM.


Kabilang sa mga dumalo sa programa sina LTFRB Board Member Atty. Mercy Jane Paras-Leynes at Executive Director Atty. Robert Peig.


Gayundin sina LTFRB Region XII Regional Director Paterno Reynato Padua at Atty. Paisalin Tago na ministro ng Ministry of Transportation and Communications (MOTC) ng BARMM.


Nagpaabot din ng pasasalamat kay Chairman Guadiz si Atty. Tago para sa makasaysayang hakbang na pakikinabangan ng BARMM.


Alinsunod sa Board Resolution No. 025, kinakailangan nang ilipat ang lahat ng mga ari-arian, digital record, prangkisa, special permit, provisional authority, at kaukulang dokumento ng mga ruta na nasa ilalim ng BARMM mula sa LTFRB Region 12 matapos mabigyan ng buong kapangyarihan at otoridad ang BLTFRB na pamunuan ang nasasakupan nito.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page