top of page
Search

ni Jasmin Joy Evangelista | January 15, 2022



Libreng house-to-house antigen tests ang handog ng lokal na pamahalaan ng Biñan, Laguna para sa mga residente nito.


Mayroong apat na ambulansiyang umiikot sa siyudad upang maisagawa ang testing.

Noong Huwebes ay umabot sa halos 600 ang mga residente na isinailalim sa antigen swab test.


“Bawat sasakyan may tatlong tao, may nagsaswab, may driver tapos may nageexplain kapag kayo ay nagpositibo bibigyan po namin kayo ng gamot na may paracetamol, antibiotic," ani Binan Mayor Armina Dimaguila Jr.


Para maka-avail ng libreng antigen test, kailangan lang magparehistro ang mga residente para makakuha ng schedule.


Mayroon ding mga gamot na ipamamahagi ang lokal na pamahalaan na ihahatid gamit ang motorsiklo.


Inilunsad na rin ang e-konsulta sa siyudad, kailangan lang tumawag sa hotline at may mga doktor na sasagot sa mga katanungan.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | January 6, 2022



Isasailalim ang Laguna sa Alert Level 3 simula January 7 hanggang January 15, 2022 dahil sa pagtaas ng COVID-19 cases, ayon kay Acting Presidential Spokesperson Karlo Nograles.


Ito ay matapos ang pagsirit ng bilang ng kaso ng COVID-19 sa lalawigan.


“The Inter-Agency Task Force (IATF) approved tonight, January 5, 2022, the recommendation of its sub-Technical Working Group on Data Analytics to escalate Laguna to Alert Level 3, due to the rising number of Covid-19 cases in the province," ani Cabinet Secretary Karlo Nograles.


Nauna nang isailalim sa Alert Level 3 ang Metro Manila mula Jan. 3 hanggang 15, kasunod ang mga lalawigan ng Bulacan, Cavite, at Rizal mula Jan. 5 hanggang 15.


Sa ilalim ng Alert Level 3, pinagbabawal ang pagsasagawa ng mga sumusunod:


* face-to-face classes in basic education

* contact sports

* funfairs

* karaoke bars, clubs, concert halls, theaters

* casinos, horse racing, cockfighting, operation of cockpits, lottery and betting shops, and other gaming establishments — maliban sa mga bibigyang-pahintulot ng IATF o ng Office of the President

* social gatherings kung saan hindi kabilang sa iisang household ang mga dadalo

 
 

ni Lolet Abania | December 9, 2021



Ginawaran ng pamahalaan ang lalawigan ng Laguna na nakapagtala ng may pinakamataas na bilang na na-administer na doses ng COVID-19 vaccine sa isinagawang three-day vaccination drive sa buong bansa ngayong Huwebes.


Ayon sa National Task Force Against COVID-19, ang Laguna ay nakapagbakuna kontra-COVID-19 ng kabuuang 271,989 doses mula Nobyembre 29 hanggang Disyembre 1.


Habang ang Cebu City ang naiulat na lungsod na may pinakamataas na bilang na na-administer na bakuna na 103,828 doses.


Kabilang naman sa top three na munisipalidad ay Rodriguez, Tanza, at Arayat na nakapagtala ng 39,383; 25,277; at 20,955 doses na na-administer, batay sa pagkakasunod.


Ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ay ginawaran naman bilang rehiyon na highest improvement sa kanilang average jab rate na 785 doses.


Sa pahayag ni vaccine czar Carlito Galvez, Jr. sa Bayanihan, Bakunahan awarding event, sinabi nitong ang BARMM ay nagawang madagdagan ang kanilang output ng 10 beses.

“Actually, kausap ko po ang executive secretary ng BARMM kahapon at kinongratulate ko po siya dahil first time po na nangyari na ang kanilang vaccination ay lumagpas ng 100,000 a day,” sabi ni Galvez.


“Kaya tuwang-tuwa po siya… pagpapatuloy po nila ang kanilang vaccination. Pero napakahirap, sadyang hirap kasi mga tinatawag nating mga geographically challenged ang mga areas nila,” wika pa ni Galvez.


Samantala, ang Tawi-Tawi, ang lalawigan na itinuturing na highest improvement na may 2,668 jabs habang ang General Santos City ay ginawaran ng most improved city na may 673 jabs.


Bawat local o provincial government ay binigyan ng award ng P25,000 halaga ng SM gift certificates.


Gayunman, kahit hindi nakatanggap ng reward, ang Calabarzon ay kinikilala bilang rehiyon na may pinakamataas na bilang ng doses na na-administer na 1,147,392.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page