top of page
Search

ni BRT | April 27, 2023




Halos 74,000 trabaho na ang maaaring apply-an sa job fair ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa darating na Labor Day.


Nasa 73,779 ang job vacancies sa taunang labor day job fair, at maaari pang dagdagan habang papalapit ang Labor Day sa Mayo 1.


Karamihan sa mga trabaho ay galing sa business process outsourcing, manufacturing, financial and insurance activities, manpower services at sales and marketing


Kaugnay nito, may 40 venue ang job fair sa buong bansa pero sa SMX Convention Center sa Pasay ang main venue na bukas na simula Abril 30.


Paalala sa mga aplikante, magdala ng sapat na kopya ng resume, diploma, transcript of records at certificate of employment.


 
 

ni Lolet Abania | June 29, 2021



Isang manggagawa mula sa pabrika sa Valenzuela City ang humingi ng tulong sa mayor ng siyudad matapos na matanggap ang kanyang suweldo na puro mga baryang sentimos ang ibinigay.


Sa nai-post sa Facebook kahapon, ayon sa lokal na pamahalaan ng Valenzuela City, nakuha ng empleyado, na hindi na idinetalye pa ang pagkakilanlan, ang kanyang dalawang araw na suweldo na nagkakahalaga ng P1,056 na puro 5 at 10 centavo coins.


Agad namang nakipagpulong si Gatchalian sa nasabing worker at representative ng kumpanya na tinukoy ng pamahalaang lungsod bilang Next Green Factory.


Gayunman, ang may-ari ng kumpanya ay kasalukuyang out-of-town kaya itinakda na lamang sa ibang araw ang meeting dito.


“Mayor Rex reiterates that industry workers should be treated accordingly and not be demoralized,” pahayag ng pamahalaang lungsod.


Sa hiwalay na statement, ayon kay Gatchalian, nakatakda silang magharap ng may-ari ng kumpanya ngayong Miyerkules na aniya sa company representative, “Won’t cut it for me. I’ll see to it that we get to the bottom of this ‘cruel and unusual’ labor practice and deal with it accordingly,” post ni Gatchalian sa Facebook.


Samantala, ayon sa isang circular na inisyu ng Bangko Sentral ng Pilipinas noong 2006, ang mga barya na may denominasyon na P1 hanggang P5 ay maaaring tanggapin bilang bayad sa halagang hindi hihigit sa P1,000.


Nakasaad din sa circular na ang mga 1 centavo, 5 centavos, 10 centavos at 25 centavos ay maaaring gamitin bilang bayad sa halagang hindi hihigit sa P100.

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | March 6, 2021




Pinalagan ng Department of Labor and Employment ang diumano'y “no vaccine, no work” policy ng ilang establisimyento. Pahayag ni Labor Secretary Silvestre Bello III, "‘Yung no vaccine, no work, illegal 'yan, bawal ‘yan."


Hindi umano maaaring pilitin ang mga manggagawa na magpabakuna laban sa COVID-19 kung ayaw nila. Saad ni Bello, "Kaya wala pong ganyang patakaran. Kung sino man 'yung employer na gumagawa niyan, alam niya na mali ang ginagawa niya."


Ipinagbigay-alam ng Associated Labor Union (ALU) sa DOLE ang natanggap nilang hinaing ng mga manggagawa lalo na ang mga hotel, restaurant at BPO workers na diumano'y inoobliga silang magpabakuna.


Pahayag ni Alan Tanjusay, spokesperson ng ALU-Trade Union Congress of the Philippines, "Meron tayong tinatawag na Anti-Discrimination Law.


‘Yung discrimination ay iba-ibang klase na porma at uri ngunit sa aming paningin, isa itong uri ng discrimination. "So, kung mayroong magrereklamong manggagawa, tutulungan naming magsampa ng kaso."


 
 
RECOMMENDED
bottom of page