by Angela Fernando @News | July 25, 2024
Bumalik na sa normal na antas ng tubig ang La Mesa Dam sa Quezon City nitong Huwebes matapos lumampas sa spilling level dahil sa mga pag-ulan na dulot ng Habagat na pinalakas ng Bagyong Carina.
Ipinakita ng datos mula sa PAGASA na ang antas ng tubig sa La Mesa Dam ay bumaba sa 80.13 metro nitong 8 a.m., na bahagyang mas mababa sa normal na taas ng lebel ng tubig na 80.15 metro.
“Ito ‘yung ang overflow kahapon hanggang gabi, pero actually, mababa na rin po siya. Ang kanya pong present elevation is 80.13… So, it means, hindi na po siya nag-o-overflow,” saad ni PAGASA hydrologist Elmer Caringal.
Matatandaang ang antas ng tubig sa La Mesa Dam ay umabot ng 80.17 metro nu'ng gabi ng Miyerkules na nagdulot ng pag-apaw nito.