ni Mylene Alfonso | May 27, 2023
Kinontra ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na magpatupad ng total deployment ban ng overseas Filipino worker (OFW) sa Kuwait.
Ginawa ni Marcos ang pahayag kasunod ng panawagan ni Pangasinan 3rd District Rep. Rachel Arenas na itigil na ang pagpapadala sa mga bansa sa Middle East dahil sa pang-aabuso ng mga employer.
"I’m never very comfortable ‘yung nagba-ban na ganun dahil parang ang pag-ban sinasabi mo forever na 'yan, hindi na puwede," wika ni Marcos sa isang panayam matapos pangunahan ang ika-125 anibersaryo ng Philippine Navy sa Maynila.
"I don't know, 'yung sometimes overreaction 'yun na, basta't ban lang tayo ng ban, hindi naman tama," aniya pa.
Ayon sa Pangulo, magpapatuloy ang gobyerno ng Pilipinas sa pakikipagnegosasyon sa gobyerno ng Kuwait kaugnay sa pansamantalang suspensiyon nila sa pagbibigay ng visa sa mga Pilipino.
"Ang naging problema natin, tayo ang binan ng Kuwait, at ayaw na magpa-issue ng mga bagong visa. Hindi kami nagkakasundo dahil sinasabi nila may paglabag daw tayo sa kanilang mga rules, wala naman kaming nakikita, kaya’t 'yan ang naging situation,”
paliwanag ni Marcos.
"But you know I don’t want to burn any bridges… We have to react to the situation as it is and I think the proper reaction is to take the decision of the Kuwaiti government to no longer issue new visas," hirit ni Marcos.