top of page
Search

ni Eli San Miguel @K-Buzz | Oct. 8, 2024



News Photo

Dumalo si Jennie ng Blackpink sa “Welcome Back” concert ng 2NE1 sa Seoul. Sa Instagram, ibinahagi niya ang ilang larawan mula sa concert sa Olympic Park, Olympic Hall, kabilang ang isang litrato ng kanyang OOTD suot ang baseball cap na may logo ng 2NE1 at hawak ang opisyal na light stick ng grupo.


“Funday Sunday,” saad ni Jennie. Star-studded ang 2NE1 show, dahil present dito ang mga celebrities tulad ni Jennie at mga YG Entertainment artists, kabilang ang BIGBANG, Winner, iKON, at BabyMonster.



Ang “Welcome Back” ay ang unang world tour ng 2NE1 matapos silang ma-disband noong 2016. Inanunsiyo ng YG Entertainment ang kanilang comeback noong Hulyo, kung saan nagbahagi si Dara ng teaser para sa concert.


Nagsimula ang tour sa Seoul, South Korea nitong Oktubre, na magkakaroon ng mga stop sa Osaka, Manila, at Jakarta sa Nobyembre, at magpapatuloy sa Tokyo sa Disyembre at hanggang 2025.


Nakatakda naman ang stop sa Manila sa Nobyembre 16, 2024, na gaganapin sa SM Mall of Asia Arena. Bagama't na-disband ang grupo noong 2016 at umalis sa YG Entertainment, matatandaang nagkaroon ang 2NE1 ng ilang mini-reunions nu'ng mga nakaraang taon.

 
 

ni Eli San Miguel @Overseas News | Oct. 7, 2024



News Photo

Nilagdaan ng 'Pinas at South Korea (SK) ang isang kasunduan na nagsusulong ng feasibility study para sa Bataan Nuclear Power Plant (BNPP).


Naging saksi sina Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. at Pangulong Yoon Suk Yeol ng SK sa pagpresenta ng mga nilagdaang kasunduan sa pagbisita nila sa Palasyo ng Malacañang.


Patuloy na umaasa si Marcos kaugnay sa BNPP na matatandaang isang proyekto nu'ng panahon ng administrasyon ng kanyang yumaong ama, si Ferdinand Marcos Sr., na ipinagpaliban nang mahigit tatlong dekada.

 
 

ni Eli San Miguel @World News | Oct. 4, 2024



News Photo

Nagbanta ang lider ng North Korea na si Kim Jong Un na gagamit ng mga nuclear weapons at permanenteng wawasakin ang South Korea kung kakantiin sila, ayon sa ulat ng state media ngayong Biyernes.


Ito'y kasunod ng babala ng lider ng South Korea na babagsak ang rehimen ni Kim kung susubukan nitong gumamit ng mga nuclear weapons. Bagama’t karaniwan ang ganitong mga pahayag sa pagitan ng magkaribal na Korea, dumating ang mga komentong ito sa gitna ng tumitinding tensyon dahil sa kamakailang pag-amin ng North Korea sa kanilang nuclear facility at mga missile tests.


Sa pagbisita sa isang special forces unit, sinabi ni Kim na walang pag-aalinlangang gagamit ang kanyang militar ng lahat ng puwersang pandigma, kabilang ang mga nuclear weapons, kung sasalakay ang South Korea sa soberanya ng North Korea. Idinagdag pa niya, “The permanent existence of Seoul and the Republic of Korea would be impossible.”


Nagsilbing tugon ang mga pahayag ni Kim, sa talumpati ni Pangulong Yoon Suk Yeol ng South Korea sa Armed Forces Day, kung saan inihayag niya ang pinakamakapangyarihang ballistic missile ng South Korea at nagbabala na ang anumang paggamit ng mga nuclear weapons ng North Korea ay magdudulot sa pagbagsak ng gobyerno ni Kim, dahil sa matatag at napakalakas na alyansa ng South Korea at United States.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page