ni Ronalyn Seminiano Reonico | November 16, 2020
Suspendido nang isang buwan ang klase sa lahat ng antas, pampubliko at pribadong eskuwelahan, sa Marikina City simula ngayong araw, November 16 dahil sa matinding epekto ng pananalasa ng Bagyong Ulysses.
Ayon kay Mayor Marcelino Teodoro, “unstable” ang internet sa lungsod at nasira rin ang ilang modules ng mga estudyante dahil sa pagbaha matapos umapaw ang Marikina River. Aniya, “One-month suspension [of classes] from this week, starting today (November 16) and for the next four weeks.
“Paano makakapagklase iyong mga bata maski may module at gadget siya kung nakalubog sa putik ang kanyang paa habang nag-aaral?”
Ayon kay Teodoro, prayoridad sa lungsod ang clearing and cleaning operations at kung matatagalan pa ito at lalagpas nang isang buwan, may posibilidad umanong i-extend ang suspension ng klase. Aniya,
“We need to establish a proper environment. ‘Yun ang tingin ko na kailangang-kailangan nating gawin sa ngayon.”