ni Lolet Abania | October 8, 2021
Si Sen. Francis “Kiko” Pangilinan ay naghain na ng kanyang certificate of candidacy (COC) para tumakbo sa pagka-bise presidente at running mate ni VP Leni Robredo sa 2022 elections.
Sinamahan ni Robredo si Pangilinan sa paghahain ng COC sa Sofitel Philippine Plaza sa Pasay City ngayong Biyernes.
Ang 58-anyos na si Pangilinan ay pangulo ng Liberal Party na ang dating chairwoman ay si Robredo, kung saan ang chairman emeritus naman ng partido ay si yumaong dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.
Kilalang oposisyon sina Pangilinan at Robredo sa ilang polisiya ni Pangulong Rodrigo Duterte, kabilang dito ang war on drugs, ang usapin sa West Philippine Sea, at pagsusulong ng death penalty.