top of page
Search

ni Angela Fernando - Trainee @News | December 16, 2023




Marami man ang tsismis na kumakalat ngayon na hiwalay na si Senador Kiko Pangilinan at si Megastar Sharon Cuneta, hindi naman nagpapigil ang senador na tawaging 'misis' ang aktres.


Sa bagong post ni Kiko nitong Biyernes, ipinakita nitong suportado niya ang asawa sa guesting nito sa E.A.T.


Saad niya sa kanyang post habang hawak ang art card ni Sharon, “Hello, mga Dabarkads at mga ka-OKIKS! Mas pasayahin ang inyong tanghali kasama ni Misis sa E.A.T ngayong December 15!”


Matatandaang umugong ang usap-usapang hiwalay na ang dalawa matapos na magbahagi si Megastar ng isang cryptic post sa kanyang Instagram na binura naman nito agad.


Dumagdag pa ang sinabi niya sa kanyang interview sa TV host na si Luis Manzano na ibinigay na yata lahat ang kanyang kahilingin except sa isang 'di ibinigay.


Hindi pa naman nagbibigay ng reaksiyon sina Cuneta at Pangilinan sa mga kumakalat na tsismis na hiwalay na sila ngayon.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | March 21, 2022



Nagbahagi ng kanyang appreciation post ang American pop star na si Ariana Grande sa kanyang Instagram account sa Pinoy crowd na dumalo sa campaign rally nina presidential candidate Vice President Leni Robredo at kanyang running mate Sen.

Francis “Kiko” Pangilinan sa Pasig kahapon, March 20, kung saan kumakanta ang mga ito ng hit song ng singer na “Break Free”.


Nag-post ang pop star sa kanyang Instagram Stories ng aerial shot ng Emerald Avenue kung saan makikita ang mga dumalo na nakasuot ng pink shirt at sabay-sabay na kumakanta.


“I could not believe this was real,” aniya. “I love you more than words.”


Matapos ang appreciation post ni Grande, nag-trend sa Twitter ang “Break Free” na may mahigit 34,000 tweets, as of writing.


Ayon sa Pasig City Police, ang naturang campaign rally ay dinaluhan ng estimated 137,000 supporters, na siyang largest crowd na natipon ng tandem mula nang magsimula ang kampanya.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | February 15, 2022



Sinampahan ng kasong libel ng vice presidential aspirant at Senador na si Francis ‘Kiko’ Pangilinan ang mga creators ng isang YouTube channel nitong Lunes dahil umano sa libelous videos na inilalabas nito laban sa kanya at sa kanyang pamilya.


Personal na nag-file ng reklamo si Pangilinan laban sa YouTube Channel na “Maharlika” sa Department of Justice dahil sa paglabag umano sa Republic Act 10175 o ang Cybercrime Prevention Act of 2012.


Ayon sa complaint ng senador, nagsimulang maglabas ng mapanirang videos ang naturang channel noong May 2021z


Pinagpapaliwanag ng senador ang tech giant na Google, na siyang nagmamay-ari ng video-sharing platform na YouTube, hinggil sa kung paanong ang mga naturang mapanirang videos laban sa kanya ay hindi lumalabag sa community standards matapos niyang i-flag ang “inaction” nito sa kabila ng kanyang mga requests na i-take down ang naturang “libelous video content”.


“We also urge corporations placing ads on these and similar YouTube channels to stop enabling these sites that peddle lies and disinformation,” ani Pangilinan.


Ayon pa sa senador, nais ding sampahan ng kaso ng kanyang asawa na si Sharon at anak na si Frankie ang Maharlika YouTube Channel.


“The contents of the videos are all false, have no factual basis, and are intended to destroy or damage my reputation as a senator, public servant, and a husband to one of the most beloved celebrities in the Philippines, Sharon Cuneta-Pangilinan,” batay sa complaint ni Pangilinan.


“More importantly, the libelous videos are meant to destroy the family. The libelous videos are not only intended to damage my relationship with my wife but also meant to destroy my relationship with our children,” dagdag pa nito.


Dagdag pa ng senador, ang mga tao sa likod ng channel ay “acted in reckless disregard as to the truth or falsity of the statements in the video.”


Noong July 2021 nag-file na rin ng kaso si Pangilinan laban sa dalawang YouTube Channel.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page