ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | September 1, 2020
Walang katotohanan ang balitang magkakaroon ng show si KC Concepcion sa TV5 kasama ang amang si Gabby Concepcion.
Ito ang kaliwa’t kanang tanong sa amin ng mga kaibigan at kaanak naming nasa ibang bansa dahil nabasa raw nila sa online.
Tinanong namin ang handler ni KC sa Cornerstone Entertainment na si Caress Caballero kung totoo ang balitang nasa TV5 na ang dalaga.
“Wala po siyang show sa any network,” diretsong sabi sa amin.
Sabagay, kung may show o offer si KC ay malamang nabanggit na niya ito sa kanyang social media. Napakasipag pa naman niyang magpo-post nitong mga nagdaang araw dahil abala siya sa pag-upload ng mga ginagawa niya sa kanyang KC Diaries sa YouTube channel.
Hindi nag-aral ng culinary si KC pero dahil sa pakikipag-collab niya sa magagaling magluto ay posibleng matuto siya at ang dami niyang views sa bawat collab niya.
Ang mga in-upload ng dalaga sa kanyang YT na naka-collab niya sa pagluluto ay sina Chef Jordan Andino (host ng Late Nite Eats sa Cooking Channel ng Television Food Network) kung saan nagpaturo si KC ng pagluluto ng Paella at Chicken Adobo; Judy Ann Santos para sa Seafood Curry; Dr. Z and Dr. Aivee Teo (ng Aivee Clinic) para sa Singaporean Bee Hoon; Chef Chele Gonzalez ng Tiger Prawn; at sa kanyang Mamang Pokwang ng Spicy Minced Chicken in Lettuce wrap.
In fairness, madaling matuto si KC kaya hindi na kami magtataka kung mag-post siya na baka pati catering business ay pasukin na rin niya.
Samantala, naglabas ng kanyang saloobin ang panganay nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion sa panayam niya sa digital show ng transwoman at proud member ng LGBTQIA+ community na si Mela Habijan na 3some dahil hindi pa rin siya tinatantanan ng mga walang magawa sa buhay kundi i-bully siya dahil sa malusog niyang pangangatawan.
Aniya, “Kapag sobrang sakit na, natatameme na lang ako. I’m really sensitive to name-calling and I used to really grumble when somebody would name-call me. But these days, not anymore. I mean, kasama mo ba ako nu’ng may pandemya, nu’ng nag-ECQ tayo at nagkaka-anxiety attack ako? Wala ka doon!
“Nandu’n ka ba nu’ng na-dengue ako sa ospital at gumaling na ako? Wala ka naman doon. Nu’ng na-heartbroken ako, kasama ba kita noon? Wala ka noon. So, you don’t have the right to make me feel less than who I work hard to be.
“The KC you knew is still the KC I am today. I mean, the playfulness is still there, but, I’m a lot more secure and confident about who I am. You realize that nobody’s perfect and you just have to be the best version of yourself. You hear that all the time but it really is true.
“As long as you work hard and care for the people around you, you just have to really fight for who you are and not allow somebody to dictate who you are in a negative way.”
Natanong si KC kung perfect ang buhay niya dahil sa mga achievements niya, “I think all of us, my family and I, we’re not perfect. Hindi naman perfect ‘yung pinagdaraanan namin.
Hindi nga lang kami reality show na parang lahat, kailangang pag-usapan.
“But nobody is perfect and it’s so important to be yourself. It’s nice to have real and raw moments. At the same time, makikita mo kung gaano ka nag-grow at makikita mo ‘yung mga pagkakamali mo. Marami akong ganu’n.
“Love life pa nga lang, nakita na ng lahat and thank God we’re all still good friends. But in my career, in my love life, and family life, hindi lang talaga ako ‘yung type na magse-share ng dirty secrets ng lahat-lahat. So sometimes, quiet lang ako kasi I’m very sensitive.
“Kapag sobrang sakit na, natatameme na lang ako. I can’t speak and I feel speechless sa sobrang hurt na napi-feel ko. Hindi ko ma-express ‘yung nasa mind ko, so kapag tumatahimik ako, alam ko na malalim talaga at tagos sa puso.
“So, nobody sees that side but I think that the people who followed me and are with me, they can tell even if I don’t say anything, they know.”
Anyway, kasalukuyang nakabakasyon si KC na ayaw sabihin kung saan pero ang dinig namin ay nasa San Benito Farm siya sa Batangas at nagsu-shoot para sa kanyang KC Diaries.